Ayun na naman,
isa na namang malaking exploit, this time sa Balancer, kung saan tinanggalan ng hackers ng halos $116 million yung v2 pools nila. Pangatlong beses na ‘to na may breach, so obvious na risky pa rin talaga ang DeFi space pagdating sa smart contracts at liquidity pools.
Pero ang interesting part, parang wala nang masyadong reaction ang market. Kahit may mga ganitong balita, Bitcoin stays solid. Oo bumaba siya ngayon, pero ganun naman talaga. Paulit-ulit na ‘yan, laging bumabawi si BTC after ng dip, habang karamihan sa mga DeFi tokens nawawala na lang pagkatapos ng hack.
Parang naging normal na lang itong mga hacks, hindi na masyadong pinapansin. Siguro kasi alam na ng mga tao kung saan talaga ang tunay na halaga, sa Bitcoin, hindi sa mga pa-high yield na DeFi projects na madaling masira.
Kayo, ano tingin niyo? Nakaka-apekto pa ba sa tiwala niyo sa crypto market ‘tong mga hacks, o parang background noise na lang din sa inyo?