Sabagay, at bagsak ulit, mas mababa na ulit siya sa $100k. Sana lang talaga itong scene na ito ay may recovery period pa, kasi kung bagsak na sa support ang price ni Bitcoin. Mas madami ng makukumbisi na bear market na talaga pero sa ngayon hindi kaya parang masyado pang maaga para isipin yan, waiting pa rin kung ano ang magiging lagay pagpasok ng December at sa pinaka huling araw at linggo ng buwan na yan.
Tulad ng inaasahan ko ayan na nga nangyari na, mga ilang oras mula ngayon ay magseset na ako ng posisyon, kung long o short ba ito, dahil sigurado akong kapag nangyari na yung inaantay ko ay confirm na another profit na naman ang inaasahan ko nito, hindi man kalakihan tamang kahit pano masasabing goal achieve narin.
Dahil once na maglagay na ako ng posisyon, it's either nagkaroon ng fake breakout o fully breakout na yung nangyari sa price ni bitcoin, ilang oras nalang yung hinihintay ko na kumpirmasyon to find out the result.
Kamusta itong na setup mong trade? kung nag short ka, parang profit ka ulit dahil sa lagay ng market parang malabo pa makarecover sa week na ito. Kahit na fake breakout parang malabo pa rin ata.
Ganito talaga sa buhay trader obserbasyon at tiyaga muna bago lumagay sa posisyon dito.
Sanay ka naman na at isa ka sa mga mahuhusay na trader dito sa local natin. Karamihan ata dito parang holder lang at waiting lang kung magbebenta ba para sa profit tapos ulit lang ulit sa pagbili tapos paghohold.