First of all, lets pray for Cebu kung saan sobrang sinalanta ng bagyong tino, walang nagawa ang mga flood control out of hand, talaga dahil sobrang lala, at shame nadin sa mga ghost project sana nakatulog ang may mga sala kung meron man, nakakaiyak sa totoo lang pinanuod ko, and gusto kong tumulong pero wala naman pang pera dipa tayo milyonaryo or billionaire in USD ah.
Pero naisip ko lang sa laki ng pinsala na nangyare sa cebu malaking pera ang kailangan galing sa national government, para makabangon ulit ang ating mga kababayan, dito ko naisip na dito maaring pumasok ang bitcoin/USDT na pagbigay ng tulong sa ating mga kababayan galing sa gobyerno bakit?
- Matretrace ang pera na binigay ng National Government its on record / At the same time same with National hindi nila pwedeng bawasan
- Trace kung magkanu ang hawak ng LGU
- Hindi sila pwedeng makakupit dahil may record sa blockchain
Ang mangyayare magkakaroon ng Wallet address for National Government lahat ng pondo na ipapadala nila dito dadaan
Same with local Government mayroon silang Wallet address, subalit dapat secure ito at ilan lang na tao ang meron at pwede magapprove, dito ko naisip since lage ang President at VP di magkasundo minsan
dito hindi sila pwede hindi magkasundo even in local government, for example sa Seed hati sila sa seed, pero meron ding IT department na magsusubaybay dito.
Magiging available sa public ang address na ito makikita ang mga transactions, na lumalabas, pumapasok, ibig sabihin walang maitatago na pondo, at sa huli Magkakaroon ng audit at pagtatamain kung may nakurakot ba
dapat ding magkaroon ng system kung saan magkakaroon ng registration for fingerprints and picture, so maari nating masabi na dito papasok ang national ID maari nila iyon gamitin para naman hindi mo na need picturan ang mga tumatanggap para lang makilala mo sila, although maari may problema sa mga wala pa pero for sure magagawan ng paraan iyan.
Anu sa tingin ninyo mga kababayan maari kaya ang ganun?
para ito maiwasan na ang nakawan, kahit kasi minsan sa mga ganyan may nkakatakas parin
kung hindi man cash relief operation dito natin matretrace kasi sigurado naman may resibo iyan, duon din makikita if dinaya nila ang mga presyo.
