Naisipan ko gawin itong thread noong nag-reply ako
dito. Kung titingnan natin ang mga numero:
Malinaw na hindi pa mainstream ang Bitcoin, hindi lang dito sa atin, kundi pati narin sa buong mundo. Pero bakit nga ba? Naglista ako ng ilan sa mga karaniwang dahilan.
1. VolatilityMaraming natatakot dahil masyado daw volatile ang Bitcoin, pero kung titingnan natin, ganun din naman yung stocks ng mga malalaking tech companies. Tuloy tuloy din namang bumababa ang volatility nito sa paglipas ng panahon, bata pa kasi ang Bitcoin kumpara sa ginto at ibang mga global equity.
2. Regulatory Concerns / Criminal UseHindi sa lahat ng bansa ay accessible ang Bitcoin, at meron ding mga concern kagaya ng money laundering at iba pa. Pero kung tutuusin, hindi naman anonymous ang Bitcoin. Lahat ng transaction ay makikita sa blockchain at pwedeng i-check ng mga otoridad. 0.14% lang ng lahat ng crypto transactions noong 2024 ang sangkot sa ilegal na gawain, at historically ay mas mababa ito lagi sa 1%.
3. Growth and AccessibilityHindi lahat ng tao ay may access sa internet at mga gadget, lalo na sa mga mahihirap na bansa. At hindi rin lahat ng tao ay may sapat na kaalaman sa teknolohiya, lalo na ang mga matatanda. Pero sa kabila nito, kahit paano ay patuloy parin ang pagdami ng mga lugar at business na tumatanggap ng Bitcoin at crypto. Ilan sa mga ito ay makikita niyo
dito sa thread na ito.
4. Financial IlliteracyKaramihan sa mga tao ay hindi alam kung paano ba gumagana ang sistema ng fiat, at kung bakit hindi magandang mag-impok ng pera sa bangko. Maaaring narinig na nila yung Bitcoin, pero hindi sila interesado, o mali ang pagka-intindi nila dito at akala nila ay scam. Kaya nga ginawa ni Satoshi Nakamoto ang Bitcoin dahil sa
2008 financial crisis. Hindi naman natin sinasabing wag tayong gumamit ng cash, dahil kailangan parin natin ito sa pang-araw araw na bilihin. Kailangan lang nating maging bukas sa oportunidad na bigay sa atin ng Bitcoin, para hindi tayo maging alipin ng utang at salapi.
Bitcoin gives the opportunity to gain financial control and independence, but only to those individuals who are willing to educate themselves.