Lalo na kung malaki ang laman ng wallet mo, pwede mo ito ilagay sa vault at yung seedphrase mo at naka engrave, pero mas mabuti i assess mo muna ang location mo para makapag decide ka kung ano ano ang mga safety precautions ang pwede mong gawin.
Pero mas nakakabutina i safety mo muna ang sarili mo at ang pamilya mo sa paglikas sa pinakaligtas na lugar kasi bale wala rin ang seedphrase mo at Bitcoin mo kung mapapahamak ka lang din.
Mas isipin mo ang sarili mo kaysa ang anupa man, mas mahalaga ka kaysa anumang investment.
Kaya dati gusto ko bumili nung pa engrave sa metal plate tapos naka capsule just in case e na bahain lugar namin ay still safe yung seedphrase.
Strategy ko ngayon ay may multiple backup up ako sa mga bahay namin located sa different province. Gusto ko sana mag online backup kaso natatakot talaga ako mahack. Baka protektado nga physically yung hardware wallet ko kaso wala na pala laman dahil nahack na online.
May nababasa ako na password manager dw gamitin but still paranoid ako sa ganitong way. Hindi kalakihan ipon ko na Bitcoin pero mahalaga kasi sa akin ito.