Mag rorollout ang Davao ng Dcitizen ID via blockchain at ito ay ang mga sumusunod:
- Resident
- Transient
- PWD
- Senior Citizen
Resident - Mga tao na nakatira ng higit isang taon sa davao, Validity ng id ay 5 years, at kulay ng IDcard Dark Blue.
Transient - Mga tao na nakatira or nagstay sa davao for atleast 6 months nagaaral man or nagtratrabaho at walang balak na manirahan dito, Valid for 1 year lang, ang kulay ng IDcard nila ay Green.
PWD - Mga tao na mental or may mga kapansanan under sa Republic Act No. 7277, ang ID ay valid for 5 years at kulay Orange and IDcard neto.
Senior Citizen - Naninirahan sa Davao for 60 years, Validity ng ID ay Lifetime, at kulay Red ang IDcard, kung ikaw naman ay senior at may kapansanan ay RedOrange ang kulay ng iyong IDcard.
Itoy ay ginawa para daw mapabuti ang serbisyo sa mga taga davawenyos,
Ang company na nakatutok dito ay ang Reverion Technologies at ayon sa co-founder nito na si Rod Albores, ang blockchain na gamit dito ay hindi nakatied sa isang chain lamang, or tinatawag na Multichain Architechture, or Chain Agnostic meaning its flexible.
According to them Gagamitin ito para sa mga services ng Davao tulad ng mga sumusunod:
- Transportasyun
- Medical Assistance
- Educational support
Kahalintulad daw ito ng sa singapore, at maliban daw duon, ito daw ay iintegrate pa sa mga sumusunod, merchant integration, at sa future Tax Document, Business permit, at local registry records.
Sinabi din ng company na tumutulong ito para sa pageducate ng mga tao sa tulong ng LGU, dahil nga hindi naman lahat ay alam ito agad.
Maganda ang ganetong gawain sa pamamagitan nito madali nalang nila matutulungan ang mga tao dahil sa QRcode lang ang need at makikita na nila or makikilala ang tao kung saan itong category nakahanay, hindi tulad ng kailangan mo pa magsubmit ng kung anu anung requirements to apply something in the LGU.
Sa tingin ninyo maganda din kaya ito kung buong bansa or madami ang tutotol dito?
Anung masasabi ninyo sa hakbang ng davao na ito?
Narito ang balita:
https://bitpinas.com/feature/davao-dcitizen/