Alam mo yung feeling na sana pala mas maaga tayo nagising noong mga panahon na ang daming gem sa market… tapos ngayon parang late na lagi yung galaw natin. Curious lang ako sa inyo guys, ano yung mga pinagsisihan nyo sa past crypto choices nyo na gusto nyo i-correct ngayon?
Like wrong coin picks, hindi nag-HODL, nagbenta too early, pumasok sa hype tokens… o basta mali lang ng timing.
Ano yung babaguhin nyo kung pwede i-reset yung approach nyo sa pag-pili ng coins ngayon?
Early selling ang pinang hihinayangan ko at investment na ngsell ako agad, minsan dahil sa kailangan ko ng pera or medyo naiinip ako, maraming beses ko nagawa before pandemic at saka nung 2021, kayat payo ko sa mga nagiinvest lalo sa ating mga bagong ka crypto, magtabi kayo ng nakahiwalay na budget para sa crypto para naman kapag nangailangan kayo, hindi ninyo magagalaw ang crypto importante iyon dahil sa naranasan ko before, at iwasan nyo din ibagsak ang funds ninyo sa meme coin, dun palage kayo sa sigurado, dahil ang crypto ay hindi isang laro, kapag namali ka, minsan tunaw lahat wala na, unlike sa mga matatag na coins magdip man iyan sakto lang, hindi magiging zero kumabaga.