Mga kabayan, since kumikita naman ako sa campaign every week, naisip ko kung ok bang i-convert ko yung BTC ko into altcoins. Baka mas malaki pa chance kumita kung tama yung pick.
Kaya tanong ko lang:
— ano bang magagandang altcoins bilhin ngayon?
— anong diskarte niyo… DCA or hold lang?
— at kung wala akong hardware wallet, anong wallet gamit niyo na safe for alts?
Share niyo experience niyo, baka makatulong.
Ako ganyan naman ang ginagawa ko, yung 50% ng kita ko sa sig campaign ay pinambibili ko ng altcoins, tulad ng Kas, Tao, Xrp, Eth, Bnb at Ada, tapos spot trading ginagawa sa mga ito.
Pinaiikot ko lang ganun lang, kahit na mabagal pero at least nakakausad naman yung balance ng alts na ginagawan ko ng trading activity dito sa spot.
Then yung iba naman ay dca at nilalagay ko sa phantom, trustwallet, at metamask, tapos kapag napaikot ko ng maayos ay naglalagay naman ako ng small fund sa futures para makapagsagawa ng trade to obtain profit kahit papaano.