---
Kaya curious ako kung kayo ba, gumagamit din kayo ng AI pag nagre-research kung anong crypto ang good i-hold long term?
Umaasa ba kayo kahit konti sa AI, or mas gusto niyo pa rin manual lahat?
Gusto ko lang malaman paano ginagamit ng iba yung AI sa investment decisions nila ngayon.
Hindi ako gumagamit ng AI pagdating sa pag-research kung anong crypto ang magandang i-hold for long term. Siguro dahil na rin sa tagal ko sa crypto space ay alam ko na ang mga coins na sa tingin ko eh magandang i-hold. Hindi pa rin naman ako 100% na tama pero para sa akin, para mabawasan ang stress ko ay nagfofocus lang ako sa mga top coins particularly sa mga nasa top 10, at mga nasa 51-100 in terms of market cap dahil minsan, andun yung mga tinatawag nilang GEMS sa crypto. Isang example na lang ay yung SUI.
Maganda na gamitin ang AI for research dahil mapapabilis nito nung proceso, at maganda ito sa mga newbies. Para sa akin, hindi ko ginagamit ang AI para sa aking mga investment decisions. Sa huli, nakatingin pa rin ako sa charts, at kung saang part na tayo ng cycle sa ngayon.
Parehas tayo dude, kung pagdating sa kung aling cryptocurrency ang best na investment ay hindi ako gumagamit ng ai apps, mas gusto ko na ako mismo ang nagsasagawa ng pagreresearch kesa iasa ko sa ai, kahit sa ai prediction na sinasabi ng iba hindi ako naniniwala sa ai. Kasi hindi naman sila accurate pagdating sa trading prediction hindi talaga.
Saka wala pa naman akong nabalitaan na ai prediction ay tumama o naging profitable sa field na ito ng crypto industry na kinalalagyan natin, wala pa talaga. Kung meron man na nagsasabi na malaking tulong sa kanya ay masasabi ko lang na hype lang yun sigurado ako.