Bitcoin Forum
March 19, 2026, 05:06:07 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.2 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: ALISIN ang 2020-2025 Paper money sa Pinas  (Read 137 times)
Mr. Magkaisa (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1428
Merit: 461



View Profile
December 27, 2025, 04:07:45 AM
Merited by fullfitlarry (1)
 #1

Mayroon akong nabasa ngunit hindi ko nasave ang link kaya di ko ito masheshare but maganda ang IDEA! nakapatalino, napakahusay.

Alisin sa sirkulasyon ng pananalapi ang mga naimprenta mula 2020 hanggang 2025. BAKIT?

Upang mawalan ng halaga ang mga nakatagong pera ng mga kurakot, mga perang ginamit sa flood control scam, mga red tape at under the table na nakaimbak kung san man.
Maaring gumawa ng paraan upang ito ay madispose or ipalit sa banko? Hindi ni ito magagwa basta basta dahil mapaflag ang laki ng halagang ito. Maraming butas pero magandang gawin para sa mga kurakot ng bansa natin.

ano sa tingin mo kabayan?
blockman
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 3598
Merit: 662


View Profile
December 27, 2025, 11:54:15 AM
 #2

Si Senator Robin Padilla ang nakaisip niyan at minungkahi niya sa pamamagitan ng "Senate Resolution No. 192". Sa totoo lang ang ganda ng naisip niya kasi nga karamihan sa pera na kinurakot ay nakaplain cash lang yan. Merong nakatabi sa mga bangko pero maaaring matamaan yan kapag napasabatas yan. Ang daming pinagtatawanan lang yang senador na yan pero sa totoo lang madami naman siyang ginagawa at ginagawa niya mismo ang trabaho ng isang mambabatas.

Ito yung balita: (https://rmn.ph/pag-demonetize-ng-%E2%82%B11000-banknote-na-inisyu-mula-january-2020-hanggang-september-2025-isinusulong-ng-isang-senador-bilang-panlaban-sa-katiwalian/)
coinrifft
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 140
Merit: 119


Spinly.io - Next-gen Crypto iGaming Platform


View Profile
December 28, 2025, 07:33:33 AM
 #3

Maganda in paper ang panukala na to, pero tingnan din natin ang cons. Una una, kung ang panukala eh papalitan ang 1000.00 or 500.00 bills at aalis sa circulation o yung tinatawag na  demonetization, eh malaking pera ang kakailangan ng BSP.

At nitong October palang eh nag labas ng pahayag tungkol dito,

Quote
INSTEAD of literally removing “dirty money” from circulation through demonetization, bank-secrecy reform, digitalization and transparency measures are more targeted and capable of real change, according to the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Although removing the highest denominations from circulation to flush out “dirty money” from the banking system to confront graft may be “tempting,” cash is still king in the Philippines.

The CPID estimates that replacing the P1,000 and P500 notes, or about 2.5 billion pieces worth P2.2 trillion, would absorb 93 percent of the value and 51 percent of the volume of all notes in circulation.

This would cost around P11.5 billion just in printing, excluding replacement, storage, transport and destruction costs, according to CPID.

It would overload automated teller machines and cash drawers, and require expanded armored car logistics and more vault space for banks and businesses.

“The logistical cost would far outweigh any potential benefit,” the BSP officials said.

https://businessmirror.com.ph/2025/10/15/reforms-not-removing-%E2%82%B11k-bills-right-tack/

So malaking gastos to sa gobyerno natin. Pero nakatagpo rin naman tayo kay Ex-finance chief Cesar Purisima.

https://business.inquirer.net/549062/ex-finance-chief-phase-out-p500-p1000-bills-to-deter-graft

Quote
In a social media post, Cesar Purisima, who served as finance secretary during the administration of the late former President Benigno Aquino III, suggested lowering the highest circulating bill to P200, arguing that the physical burden of moving large sums would serve as a deterrent against corruption in public office.
fullfitlarry
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 171


You Attract What You Are


View Profile
December 31, 2025, 09:52:11 AM
 #4

May economic impact rin to kahit sa ordinaryong Pilipino. Naaala ko yung dati, 2017, may tindahan pa ako nun, at inalis ng gobyerno yung 500 na Ninoy Aquino bill. Nalulusutan parin ako may nagbabayad na hindi ko namamalayan.

Pero pinangbayad ko sa Meralco at tinanggap din. Ang punto ko lang eh lahat talaga tayo ma-aapektuhan pang nagpalit na naman ng bagong pera at malamang sa mga may negosyo kailangan nilang ipapalit ang pera din nila so hustle.

At sa pagkakaalam ko ang bansang India ginawa rin to pero halo ang balita kung naging successful ba o hindi.
Jeorgejs
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 37
Merit: 1


View Profile
January 04, 2026, 02:47:16 PM
 #5

Upang mawalan ng halaga ang mga nakatagong pera ng mga kurakot, mga perang ginamit sa flood control scam, mga red tape at under the table na nakaimbak kung san man.


Sa tingin ko walang magagawa ito kahit mapatupad pa dahil isa na si zaldy co na nagpakita na hindi nya itinago ang pera ng cash, ang ginawa nya ay ni-laundered nya ito into crypto para untraceable at decentralized, kaya sa tingin ko masasayang lang ang panahon at maaapektuhan ang buong bansa kapag ginawa ito lalong lalo na ang mamamayanan na gumagamit nito.
Mr. Magkaisa (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1428
Merit: 461



View Profile
January 05, 2026, 06:48:22 PM
 #6

Upang mawalan ng halaga ang mga nakatagong pera ng mga kurakot, mga perang ginamit sa flood control scam, mga red tape at under the table na nakaimbak kung san man.


Sa tingin ko walang magagawa ito kahit mapatupad pa dahil isa na si zaldy co na nagpakita na hindi nya itinago ang pera ng cash, ang ginawa nya ay ni-laundered nya ito into crypto para untraceable at decentralized, kaya sa tingin ko masasayang lang ang panahon at maaapektuhan ang buong bansa kapag ginawa ito lalong lalo na ang mamamayanan na gumagamit nito.

Totoo ito, Isang masakit na katotohanan sa mundo ng crypto na nagagamit sa kasamaan, dahila walang pagkakakilanlan.
Malayang nakakpag transfer at nakakagalaw sa crypto na hindi natin malalamn kung sino ang totoong nag mamay ari sa likod ng malalaking halaga na laman ng wallet.

Apektado ng panukala ang mga nakaimbak na pera sa mga condo na tig iisang libo.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!