Wala na sirang sira na ang coins.ph dito satin community. So kung tatanungin na kaya ba higitan ng coins.ph yung existing company na nagooffer ng same service mukhang malabo na. Hindi sya kasi katulad ng backed ng mga big telco like smart and globe, ito yung mga pinaka biggest advance ng Maya at Gcash.
Tsaka kung ako naman users bakit pa ako lilipat sa iba or kakagamit ng iba kung okay or mas better na yung app na ginagamit ko ngayon. Not unless nalang siguro kung mag pa bounty sila ng malaki sa mga gumagamit baka itry ko app nila ulit..
Kahit anong gawing marketing strategy nila kung wala silang gawin para mabago ang pananaw ng mga tao lalong-lalo na sa mga naka-experience nito, failure lang ang kakalabasan nito.
Siguro sa tingin ko hindi ito ang nararapat nilang unahin. Kundi yung paano pagandahin ang serbisyo nila. Matagal na nga sila pero hindi umuusad ang users nila dahil sa pangit na serbisyo.
Mahirap pero hindi imposible.
OO naman pero subrang layo sa katutuhanan dahil habang tumatagal, mas dumarami ang complaints sa kanila.