Tor vs VPNUsaping VPN at Tor naman tayo. For sure marami na sa tin ang naka experienced na gumamit ng dalawang tools na to. Madalas nga pinagkukumparan natin sila pero may pagkakaiba rin naman sila at depende na lang satin kung paano natin sila gagamitin. Magkaiba ang kanilang layunin, disenyo, at antas ng proteksyon. Hindi sapat ang tanong na “alin kaya ang mas magaling?” ang mas mahalaga ay “alin ang akma sa ating threat model -
Privacy vs Anonymity.
Table of ContentsAno ang VPN?Ang VPN (Virtual Private Network) ay nag-e-encrypt ng iyong internet traffic at ipinapadaan ito sa isang remote server. Kapag naka-VPN ka, hindi makikita ng website na binibisita mo ang tunay mong IP kundi ang IP ng VPN server. So ang traffic mo ay dadaan muna sa server nila bago pumunta sa huling destinasyon.. Kunwari gumamit ng Proton VPN at ang IP address na ginamit mo ay Singapore, yun ang mag register sa mga websites na pupuntahan mo at hindi ang original na IP natin na Philippines.
Mga Benepisyo ng VPN:- Encrypted traffic laban sa ISP
- Mas mabilis kumpara sa Tor
- Madaling gamitin kahit para sa beginners
- Widely accepted sa websites at services
- And iyong tunay na IP address ay naka mask
- geo-spoofing
Mga Limitasyon ng VPN:- Kailangan mong magtiwala sa VPN provider (Yun lang!!!)
- May posibilidad ng logging, kahit “no-logs” ang claim
- Single point of failure: alam ng provider ang tunay mong IP
- May bansa na mahigpit tungkol sa VPN kaya may legal implications ito
Sa madaling salita, pinapalitan mo lang ang tiwala mula sa ISP papunta sa VPN provider. At sigurado na kung nag register ka using email, eh exposed ka na agad. Pero ganun pa man, maraming mga service provider ng VPN, may libre at may bayad.
Ano ang Tor?Ang Tor, o The Onion Router, ay isang libreng open-source na software na nagbibigay-daan sa anonymous na komunikasyon. Ibinabalot ng Tor ang iyong data sa maraming layer ng encryption (kaya't ang pangalang "onion") at dadaan ito sa isang network ng mga volunteer-run servers na tinatawag na "relays" o "nodes". Ang bawat node ay nag-aalis ng isang layer ng encryption bago ipasa ang data sa susunod na node. Ang huling node ("exit node") ang mag-aalis ng huling layer at ipapadala ang data sa huling destinasyon. So ito at multi layered at randomized routing. So bale dumadaan sa tatlong magkakaibang node: entry node, middle relay, at exit node.
Mga Benepisyo ng Tor:- Ito ay dinesenyo para sa anonymity, hindi lang privacy
- Walang central authority
- Open-source at pinapatakbo ng volunteers
- Mas resistant sa traffic correlation
Mga Limitasyon ng Tor:- Mas mabagal dahil nga sa multiple hops
- Maraming websites ang nagba-block ng Tor exit nodes
- Mas mataas ang learning curve at medyo teknikal din kasi to
Hindi layunin ng Tor ang convenience, layunin nito na ma protektahan ang ating identity. Kasi kung convenience lang ang pag-uusapan talagang ang bagal nito. Sa sarili kung experience minsan 30 minutes ang inaatay ko maka connect lang ako sa Tor. MInsan nga titigil na ako sa pag attempt kasi nakakasuya na.
Privacy vs AnonymityVPN = Privacy Pinoprotektahan ang data mo laban sa third parties, pero hindi ka anonymous sa VPN provider.
Tor = Anonymity Pinoprotektahan kung sino ka at saan ka galing, kahit mabagal ang koneksyon.
Usapin ng Tiwala at CentralizationAng VPN ay centralized. Ang Tor ay trust-minimized at walang single point of control. Ito ang dahilan kung bakit mas pinapaboran ng privacy advocates ang Tor.
Bilis at Usability- VPN - mas mabilis at mas convenient
- Tor - mas mabagal ngunit mas anonymous
Legal at Social PerceptionAng VPN ay masasabi nating katanggap tanggap. Ngunit may ilang bansa na laban sa VPN. Ang Tor ay legal sa karamihan ng bansa, ngunit madalas ma-flag bilang suspicious traffic dahil nga gusto mong maging anonymous na ayaw din ng ilang bansa.
Tor + VPN: Mas Ligtas Ba?- Tor over VPN – tinatago sa ISP ang paggamit ng Tor
- VPN over Tor – mas komplikado at bihira
Hindi automatikong mas secure ang pag-combine. Maling setup = mas mababang anonymity.
Tor at VPN sa Bitcoin at Crypto- VPN -exchanges at general privacy
- Tor - Bitcoin nodes at privacy-focused wallets
Ang Tor ay mas aligned sa decentralization at censorship resistance ng Bitcoin.
KonklusyonAng Tor vs VPN ay hindi labanan ng “mas magaling” kundi pagpili ng tamang tool. Wala talagang 100% na solution, may trade-offs o cons and pros palagi. Kaya depende na lang kung ano ang gusto mong ma achieved sa mundo ng Bitcoin or cryptocurrency o kahit in general lang o sa mass surveillance.
Sources at References