Salamat sa babala kabayan, nakikita ko din ito sa mga friends ko sa Facebook at nakakabahala kasi kita mo agad yung mga red flags dun palang sa mga promotions nila. Too good to be true ika nga yung rewards ng game, parang napakadali para kitain yung pera diyan.
Una palang ay halatang scam na ito, pero mayroon pa rin talagang mga mabilis magtiwala at magpasok ng pera kahit napakalaki ng risk dito. Sana lang, ang mga friends mo sa facebook ay hindi ganon kalaki ang pinasok na pera at maging lesson sa kanila na wag basta-basta mag invest sa mga ganitong projects na too good to be true.
Nang scam na ang platform wala na sya at tumakbo na, marami ang nalugi dito base sa mga nababasa ko sa mga FaceBook groups sa una pa lang halata na Ponzi Scheme ito, walang business model at kumukuha lang ng income sa mga players nila ang siguradong kumita dito ay yung mga nauna at maraming na refer.
Yung mga nahuli ang talo dito, dahil sa nakita ng admin na malaki na ang pera nyang nadeposit at maraming payout request kaya nag pull na sya ng plug.
Iwasan natin ang mga ganitong platform o kahit magpromote mas marami kasi ang talo dito kaysa panalo.
Wala na nga ang website nila kapag sinubukan mong puntahan. Mabuti nalang rin at madami ang nagbigay ng babala tungkol sa larong ito sa mga iba’t-ibang facebook group na nakita ko. Pero kahit na ganon, marami pa rin ang naniwala at nag pasok ng pera nila dito at ngayon ay wala na silang mababalikan dahil wala na ang website.
