Galing ng ibang bansa no gaya ng Thailand, tinake advantage talaga nila ang kasikatan ng Bitcoin at possible talaga na mas makakakuha sila dito ng malaki pang revenue dahil dito.

Credits pala sa pic sa page na yan para sa topic nato.
Pero ang bansa natin ayun walang paglago, instead humanap ng paraan para mag adopt kay Bitcoin ay walang nangyayari. Tsaka mas busy sila sa pag take down sa mga unlicensed exchange which is kung hikayatin nila ito na kumuha ng license sa bansa natin ay for sure naman na kikita sila at ma regulate nila ang mga platform ito ng maayos.
Kaya bagsak ang numbers of tourist dahil palpak talaga ang pamamalakad ng current administration ngayon sa bansa natin.
Kayo anong tingin nyo sa paksang ito? Tingin nyo ba may ambag sa ekonomiya sa bansa natin pag nag adopt lang ang gobyerno natin sa paggamit ng Bitcoin at iba pang cryptocurrencies?