Kayo anong tingin nyo sa paksang ito? Tingin nyo ba may ambag sa ekonomiya sa bansa natin pag nag adopt lang ang gobyerno natin sa paggamit ng Bitcoin at iba pang cryptocurrencies?
Oo may ambag talaga yan kapag nag adopt ang gobyerno natin at naging mas magaan lang sila sa mga crypto users. Kasi parang double purpose ang gagawin ng mga turista. Una bilang turista ay nandiyan na yung unang pang ambag nila sa pagdagsa nila. Pangalawa yung crypto adoption na puwedeng lumawak dahil sa kanila at ito ang pinaka purpose nila sa pagpunta. Kaso nga lang sa kasamaang palad, hindi maganda ang pamumuno sa tourism department natin at puro mukha lang ng secretary yung nakabalandra. May mga NGOs naman na gumagawa ng paraan para makapagambag sa mass adoption ng crypto katulad ng grupo ng pouch na sa Boracay sila nag start.
Dapat pag aralan nilang mabuti kung ano yung magandang dulo't kung nag adopt sila kay Bitcoin dahil for sure malalaman naman talaga nila na yung mga bansang gumawa nyan ay umanggat or naka gain ng benefits. Tingnan nalang nila ang Thailand at iba pang bansa as example for sure marami silang matutunan.
Pero monopoly ang nangyayari sa bansa natin at para atang kung sino ang makapagbabayad ng malaki sa kanila ay sila lang ang makakapag operate.
Actually maganda idea yan, lalo na ngayon na hindi maganda ang tourism ng bansa natin. Nauungusan na tayo ng mga neighboring countries kasi masyado nang mahal dito sa atin. Kung pwede ang Bitcoin through partners, mas maganda. At least yung mga foreign tourists hindi na kailangan magdala ng malaking cash para gumastos dito.
In a way, makakatulong talaga yan. Kasi based on the numbers reported tinalo na tayo ng Vietnam pagdating sa tourism.
Indicator Philippines (2025) Vietnam (2025)
International arrivals ~4.7–5.6M ~19–20M+
Nakita ko din ang stats na yan at sobrang lubog ng bansa natin sa tourist vist at tingin ko babagsak pa yan lalo na't hindi na maganda ang reputasyon ng bansa natin sa global market.
Busy kasi mga lawmaker natin sa pangu2rakot tapos aasa lang sa pangu2tang para sa budget ng bansa.
Recently lng may allegation na may 10B budget for bonus incentive sa mga member ng House of Representathieves meaning halos 33.7M each ang mga buwaya na congressman as bonus incentive para sa trabaho naman talaga nila.
Lung pumapaldo na sila sa current na kalakaran ay pihado ako na nagiisip pa ng mabuti ang mga politician natin para mapaunlad bansa natin. Bawi nlng talaga sa next election.
Yan lang ang masaklap at yung pinasang budget ngayon ay sila sila lang din ang nakinabang habang ang mamamayan ay kulelat parin. Sana in future makapag elect tayo ng mga bago at yung kayang mag adopt sa teknolohiya at higit sa lahat makatao yun bang hindi sobrang sakim sa pera.
Kayo anong tingin nyo sa paksang ito? Tingin nyo ba may ambag sa ekonomiya sa bansa natin pag nag adopt lang ang gobyerno natin sa paggamit ng Bitcoin at iba pang cryptocurrencies?
May effect talaga ang pag adopt ng bitcoin sa bansa, somehow. Like ng nasabi mo, it attracts tourist but of course hindi lang yan natatapus, need ng magandang quality ng service din at hindi mahal yung bilihin, pero lahat yan bagsak ang bansa natin. Ang pinas ang may pinaka mababang tourist record sa boung SEA at this admin, at ito iyong lowest of the low sa lahat ng admin, of course maliban sa pandemic time kase lahat ng bansa walang increase ng tourist talaga because of lock downs.
Need din e consider talaga ang services at presyo ng bilihin satin pero hindi din talaga maaayos yun kapag walang paki ang gobyerno sa mga nangyayari sa baba.
Kaya all time decline ang nangyayari kahit sa ano mang aspeto at pumangit pa lalo ang estado ng bansa natin.
Hindi ba na nangyayari na rin naman ito sa Pilipinas na? Sa P2P pwede naman sila mag convert BTC to PHP. Alam mo may iba pang way na from other crypto currency to PHP it is just na hindi lang talaga ganun ka open or wide na alam ng mga tao or turista. At yung iba isa takot din na mag accept ng bitcoin kasi alam naman natin na anytime pwedeng bumaba or tumaas ng bitcoin.
May mga ganito na tayo, ang problema lang din talaga is hindi regulated or hindi ganun na advertise.
Dati yung Bitcoin island sa Boracay? I think private initiative yun at parang mabagal ang progress or baka nag totally fail na yun dahil wala na tayong ibang balita kung hanggang ngayon may nag adopt parin or tumatanggap ng Bitcoin dun.
Kaya bagsak ang numbers of tourist dahil palpak talaga ang pamamalakad ng current administration ngayon sa bansa natin.
Kayo anong tingin nyo sa paksang ito? Tingin nyo ba may ambag sa ekonomiya sa bansa natin pag nag adopt lang ang gobyerno natin sa paggamit ng Bitcoin at iba pang cryptocurrencies?
May naalala lang ako, di ba may establishment na tumatanggap ng bitcoin sa Boracay as a mode of payment? Pero private institution yon hindi galing mismo sa gobryerno natin. Ewan ko lang kung mayroon bang nag-isip ni isang tao sa gobyerno natin na magandang tong bitcoin kung i-adapt sa bansa natin kasi puro pagnanakaw sa kaban ng bayan yong nasa isip nila. Nagamit nga ang cryptocurrency ng ilang opisyal ng gobyerno pero sa maling paraan naman. Kaya ako hindi na umaasa na gagamitin natin ang bitcoin in the near future dahil wala talagang nag-isip ng mabuti para sa ekonomiya natin or di kaya kulang ang effort.
Oo meron, madami din dati pati small merchants ay sumali nadin pero karamihan din ay nag stop at di na ata nag succeed ang project nilang yan. May iilan din namang opisyal na nakaisip na mag adopt kay Bitcoin remember na may pumasa na isang congressman na gumawa ng Bitcoin reserve para sa bansa natin? Pero di rin napansin at nalibing na din ang bill na yun. Kaya mahirap mag expect at wala na talaga tayong aasahan sa gobyerno natin ngayon.