Everything will come into reality once we see it as a law. Given na bill pa lamang ito, napakadaming modifications ang mangyayari dito to the point na yung transparency that the blockchain offers ay magkakaroon ng napakadaming loophole, thereby defeating its purpose as a whole. Again, we have to see kung ano yung magiging contents ng initial bill to the point na maging batas ito kasi dito lang natin makikita kung ano talaga yung sinasabi nilang "transparency."
Magkakaroon sila ng sariling definition kung ano yung ilalagay nila sa pagiging transparent. Unfortunately, there is a huge possibility na PR stunt ito but I am still positive and consider this as a step into the right direction kesa naman sa wala.
Parehas tayong nagda-doubt diyan at pa hype lang din talaga ang nasa isip ko. Pero bigyan pa rin natin ng pagkakataon kung ano ba magiging resulta niyan. Habang parang wala naman tayong ine-expect diyan. Baka naman kahit papaano ay may magandang mangyari, sana. Sa ngayon, mulat na ang tao na at pinagtatawanan nalang ang congress dahil sa pagiging kurakot nila. Wala naman tayong magagawa na taumbayan kahit na ilang milyon pa ang bonus na gustuhin nila ay gagawin lang din naman nila dahil sila ang may hawak ng kaban ng bayan. Kaya sa transparency na pwedeng gawin ng batas na yan, umasa man tayo o hindi ay sana magkaroon pa rin ng pagbabago.
Yup at this point, talagang need makita kung ano yung magiging batas regarding dito.
Sure, we can consider this as a PR stunt pero we cannot deny the fact na may initiative na towards transparency. To be honest, ito ata yung pinakaunang time na magkakaroon ng transparency sa Congress, albeit very limited siguro yung mga bagay na ilalagay nila dito.