Hindi ako naniniwala dyan, halatang-halata na pampabango lang nila yan, dahil sobrang sumingaw na kasi ang baho ng congress at ng buong goibyerno natin. Sa bawat taon na nga lang na inaaprubahan na budget simula ng naupo ang walang kwentang lider ng bansa natin ay pataas ng pataas ang national budget, yung last 2025 budget nga lang na nasa 6.2trilyons ang ginawa nilang batas na siyang natuklasan na sobrang daming corruption na pinaggagawa na hanggang ngayon wala pa silang napapanagot na malalaking isda ay eto yung 2026 national budget minamadali nilang gawin batas agad para may panibago na naman silang pagpipiyestahan na nakawan ulit ang kaban ng bayan.
Na recently lang ay natuklasan at nalaman natin na isang congressman ang nagbisto na meron 2milyon kada buwan ang binibigyan ng gobyerno sa lahat ng mga congressmen para aprubahan nila agad ang national budget for 2026, na kung saan din dito sa budget na ito din nila kukunin ang 60bilyons na ninakaw din ng gobyerno na napunta sa iba't-ibang mga bulsa ng mga government officials, so malabong mangyari yan, pinaggago lang tayo ng gobyerno natin, yan ang katotohanan talaga.
hindi naman laging black and white ang lahat, Hindi sa lahat ng pagkakataon dahil sa pagnanakaw kaya minamadali ang pagpasa ng budget, minsan may totoong pressure talaga sa pagpapatakbo ng estado. Kapag na delay, natitigil ang mga proyekto at pati sahod at benefits naaapektuhan, at ayaw ding akuin ng gobyerno ang responsibility na iyon. Marami sa mga accusations na naririnig natin ay hindi pa proven, at sa politics normal talaga ang rumors at exaggeration. Sa tingin ko, mali ang blind trust sa gobyerno, pero mali rin isipin na lahat ay theft, Ang totoong problema ay yung lack of transparency at accountability, doon talaga nagkukulang.