Bitcoin Forum
March 20, 2026, 05:10:07 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.2 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Do not Delete for Translation  (Read 278 times)
fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 171


You Attract What You Are


View Profile
January 06, 2026, 01:48:53 AM
Last edit: January 24, 2026, 11:28:52 AM by fullfitlarry
 #1

May Akda: Pmalek
Original na Akda sa English: How to Export/Import Labels In Popular Wallets

Ang BIP-329 ay nagtakda ng bagong pamantayan para sa pag-export at pag-import ng mga labels galing sa Bitcoin wallets, pero maraming mga wallets parin ang hindi sumusuporta sa paggamit na ito.
Si dkbit98 ay gumawa ng maganda listahan sa kanyang topic, BIP-329 Labels Export Wallets. Ang thread na iyon ay nag lilista ng wallets na sumusuporta sa BIP-329, pero gusto ko itaas pa to at ipaliwanag kung paano mag export/import ng labels na mano-mano sa mga sikat na software wallets at native apps ng hardware wallet kahit sila ay sumusuporta sa BIP-329 o hindi.

Simulan na natin at wag na natin itong patagalin.
Kinontak ko ang customer support ng mga sikat na wallet apps at tinanong ko sila ng impormasyon tungkol sa exporting labels ng kanilang software. Ang mga sumusunod na impormasyon ang sinabi nila sa pamamagitan ng chat o e-mail, at mga karagdagang info na nakalap ko online.

Ang topic na to ay work in progress. I-uupdate ko to kapag lumabas ang mga bagong impormasyon o may makita tayong impormasyon tungkol sa bagong wallets na sumusuporta sa importing at exporting ng labels.


Hardware Wallets at ang kanilang Native Apps

* Bitbox at Bitbox App
Sumusuporta sa pag-export ng labels: OO

Ang Bitbox apps ay sumusuporta sa pag export ng pangalan ng account at transaksyon labels para sa Bitcoin gamit ang pamantayan ng BIP-329. Ang app ay tumutukoy sa impormasyon na exported bilang mga "tala".

Paano mag export ng mga tala galing sa Bitbox App:

Quote
1. I-connect at buksan ang iyong BitBox02 hardware wallet. (Pwede mo tong lagpasan kung meron kang naka-on ang 'Remember wallet' ng account mo).
2. Sa BitBoxApp, i click mo ang Settings at siguraduhin mo na ikaw ay nasa pahina ng General setting (heto ay karaniwang panguhaning pahina sa loob ng Settings).
3. Mag scroll pababa sa Pangkalahatang pahina.
4. I-Click ang buton na nagsasabing "Export notes".
5. Isang file saving na dialog ang magbubukas mula sa iyong operating system. Piliin mo ang gusto mong lokasyon at pangalan ng file, at i click ang Save.
6. Ang exported na file na naglalaman ng mga kinakailangang impormasyon para maibalik ang pangalan ng account at tala ng transaksyon. I save ang file na to ng ligtas o ilipat mo sa ibang device.

Paano i-import ang tala sa BitBox App:

Quote
1. I-connect at buksan ang iyong BitBox02 hardware wallet. (Pwede mo tong lagpasan kung meron kang naka-on ang 'Remember wallet' ng account mo).
2. Sa BitBoxApp, i click mo ang Settings at siguraduhin mo na ikaw ay nasa pahina ng General setting.
3. Mag scroll pababa sa Pangkalahatang pahina.
4. I-Click ang buton na nagsasabing "Import notes".
5. Isang file saving na dialog ang magbubukas mula sa iyong operating system. Pumunta at piliin ang naunang mong na-save na file na naglalaman ng mga tala na nais mong i import at i click mo ang Open.
6. Ang tala ng iyong transaksyon at pangalan ng account na galing sa file ay naibalik at makikita sa loob ng BitBoxApp.

* Coldcard
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

Quote
Wala mismong labels sa CC, ito ay nasa companion app katulad ng sparrow. Pwede mong i-export ang labels mo galing doon.

* Foundation Devices at Envoy App
Sumusuporta sa pag-export ng labels: Yes
- Applicable lamang ito sa Envoy Standalone wallets at hindi kung ang Envoy ay pinares sa Foundation hardware wallets..

Ang Envoy ay sumusuporta sa exporting ng labels at tags bilang .json files sa format ng BIP-329.

Paano mag export ng labels gamit ang Envoy app:

1. Mula sa Account selection, i click mo ang dalawang pahalang na linya sa kaliwang taas.
2. I-Click ang "Backups."
3. I-Click ang "Advanced Backups."
4. Piliin ang "Export Tags & Labels (BIP-329)" at piliin ang lokasyon kung saan mo gusto i-save ang file.
5. I-Click ang "Save."

* Jade at Blockstream App
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

Quote
Sa sandaling ito, hindi posible ang pang export ng address labels or pangalan ng account mula Blockstream Green. Ang labels na napasok para sa transaksyon galing na pasadya are nakatago sa lokal at hindi kasama sa inyo recovery phrase o backup data.

* Keystone at Keystone Nexus
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

Quote
Sa sandaling ito, Hindi sinusuportahan ng Keystone at pag export ng maramihan na address labels o pangalan ng account. Naiintindihan natin kung gaano kahalaga ang impormasyon na to, pinahahalagahan namin ang iyong mga pag puna.

Sa ngayon, ni rerekomenda ang pagtatala ng mano-mano ng kahit anong importanteng labels or pangalan ng account na gusto mo itago. Gayumpaman,
nilista namin ang iyong ninanais, at seryoso naming itong isasaalang-alang ang pagdagdag at pag suporta ng para sa exporting ng mga datos na to sa susunod na mga pagbabago.

* Ledger at Ledger Live
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

Sinusuportahan ng Ledger Live ang pag export ng kasaysayan ng transaksyon history pero hindi ang labels at pangalan ng account.

Quote
Tandaan na ang CSV export ay kasama ang iyong kasaysayan ng transaksyon, pero hindi kasama ang address labels o ang pangalan ng account. Para sa tiyak na pag report ng tax o mas detalyado pang pamamahala ng datos, isa isip ang paggamit ng serbisyo katulad ng ZenLedger, na makikita sa 'Discover' na seksyon ng Ledger Live.
Sa kasamaang palad, hindi sinusuportahan ng Ledger Live ang pag export at address labels o pangalan ng acount na direkta. Baka kailangan mong na i dokumento ito ng mano mano itong detalye kung sa tignin mo ay mahalaga ito para sa iyong talaan.

* SafePal at SafePal App
Sumusuporta sa pag-export ng labels:NO

* Satochip
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

Quote
Ang mga impormasyon na to at nakatago ng lokal sa loob ng Sparrow Wallet. Makikita mo ang lahat ng mapagkukunan dito: https://sparrowwallet.com/docs/faq.html

* Tangem at Tangem App
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

* Trezor at Trezor Suite
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

Ang mga label na galing sa Trezor at pwedeng i-store nang lokal sa iyong device o i-sync sa cloud storage account mo, katulad ng Google Drive o Dropbox. Kapag naka on ang labeling feature, pwede mong i label ang pag pasok at pag labas ng transaksyon at addresses at palitan ang pangalan ng accounts.

Una, dapat mong i-enable ang labelling sa app. Heto ang paraan para gawin to:
Quote
- Buksan ang Trezor Suite at i-click ang gear icon sa kanang itaas para ma-access ang Settings.
- Sa Application settings tab, pumunta sa baba sa Labelling.
- I-Click ang toggle para i-enable ang labelling.
- I-Confirm ang iyong ginawa sa action sa iyong Trezor device.
- Piliin kung saan mo itatago ang iyong labels sa "Save labels" window (Dropbox, Google Drive, o lokal).

Paano i-label ang mga receiving addresses:

1. I-hover over ang cursor sa receiving address at i-click ang "Add label".
2. Ipasok ang label name at i-click ang berdeng checkmark upang kumpirmahin.

Paano i-label ang mga outgoing addresses:

1. Sa Send tab, hanapin ang "Address" input field.
2. I-Click ang "Add label".
3.  Ipasok ang label name at i-click ang berdeng checkmark upang kumpirmahin.

Saan makikita ang mga labels na naka store ng lokal:

Quote
- MacOS: ~/Library/Application Support/@trezor/suite-desktop/metadata/
- Linux: ~/.config/@trezor/suite-desktop/metadata/
- Windows 11: C:\Users\YOURPCNAME\AppData\Roaming@trezor\suite-desktop\metadata

Basahin ito para as impormasyon tungkol sa pagtago at paghanap ng Trezor Suite labels sa cloud.


Mga sikat na Software Wallets

* Blue Wallet
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

Sa kasalukuyan, ang Blue wallet ay sinusuportahan lamang ang pag export ng labels pero hindi ang pag import nito.

Para sa pag export ng labels, sundin ang mga sumusunod na hakbang:

1. I-Click ang iyong wallet sa home screen.
2. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas.
3. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas ng bagong screen na lalabas.
4. I-Click ang "Export History to CSV" at pagkatapos ay i-click ang "Save" icon.
5. Ang mga labels ay ma-sasave sa file sa iyong device at ang field na ito at tatawaging "Memos".

* Electrum
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

Ang Electrum ay sumusuporta sa exporting at importing ng labels na dati ay sini-save bilang JSON files.

Paano mag import o mag export ng labels sa Electrum:

1. Buksan ang iyong wallet sa Electrum.
2. I-Click ang "Wallet" at i-hover ang iyong mouse sa "Labels".
3. I-Click on "Import" at "Export".
4. Ipasok ang lokasyon ng na i-save na file kung ang ang importing o pag pili kung saan mo gusto i-save ang file kung exporting at i click ang "Open or "Save".

* Liana Wallet
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

* Ang kredito ay kay satscraper
Sinusuportahan lamang ng Liana ang pag export ng labels bilang JSON files ayon sa pamantayan ng BIP-329. Ang importing ay hindi possible sa ngayon.

Paano mag export ng labels sa Liana Wallet:

1. Buksan ang iyong wallet at i-click ang "Settings".
2. I-Click ang "Import/Export".
3. Sa ilalim ng "Other formats" i-click ang "BIP 329 labels".
4. Piiliin ang lokasyon kung saan mo gusto i-save ang .json file.

* Nunchuk Wallet
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

Sinusuportahan ng Nunchuk ang exporting at importing ng labels sa Nunchuk's export format o bilang JSON files alinsunod sa pamantayan ng BIB-329.

Paano mag export ng labels sa Nunchuk Wallet:

1. Buksan ang iyong wallet sa home screen.
2. I-Click ang "View wallet config."
3. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas.
4. I-Click ang "Export labels."
5. Piliin ang Nunchuk o BIP329 export format.
6. Ipasok ang lokasyon kung saan mo gustong i-save ang .json file.

Paano mag import ng labels sa Nunchuk Wallet:

1. Buksan ang iyong wallet sa home screen.
2. I-Click ang "View wallet config."
3. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas.
4. I-Click ang "Import labels."
5. Piliin ang Nunchuk o BIP329 import format.
6. Pillin ang lokasyon kung saan mo na-save ang .json file at i-import mo.

* Sparrow Wallet
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

Sinusuportahan ang exporting at importing ng labels na dati ay sini-save bilang JSON files ayon sa pamantayan ng BIP-329.

Paano i-import o export ang labels sa Sparrow Wallet:

1. I-Load ang iyong wallet sa Sparrow.
2. I-Click ang "File".
3. I-Click ang "Import wallet" para sa pag import ng labels o "Export wallet" para sa pag export ng labels.
4. Ipasok ang lokasyon ng na i-save na file (kung importing) o pag pili kung saan mo gusto i-save na exported na labels file (kung exporting).


* Specter Wallet
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

* ang kredito ay kay nc50lc
Sinusuportahan ng Specter ang exporting at importing labels na dati ay na saved bilang CSV files. Ang software ay compatible sa Electrum's exports.
Paano mag export ng labels sa Specter Wallet:

1. Buksan ang iyong wallet sa Specter Desktop.
2. I-Click ang "Transactions" tab.
3. I-Click ang "Export" at "Export Transactions to CSV".
4. I-Click ang "Done" na buton.

Paano mag import ng labels sa Specter Wallet:

1. I-Open ang wallet sa iyong Specter Desktop.
2. I-Click ang "Settings" tab.
3. I-Click ang "Advanced".
4. I-Click ang "Import" o "Upload File" buton at lumipat sa iyong na saved na label files.



Sources:
https://trezor.io/guides/trezor-suite/trezor-suite-desktop/labels-in-trezor-suite
https://support.bitbox.swiss/managing-wallet-labels-bip-329/import-export-notes-labels-bip329




Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng:


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 171


You Attract What You Are


View Profile
January 20, 2026, 09:15:34 AM
Last edit: January 28, 2026, 02:39:03 PM by fullfitlarry
 #2

May Akda: *Ace*
Original na Akda sa English: [Experimental] ⭐Bitcointalk BRDb score








Hello sa lahat, binuksan ko tong thread na ito para maipakita ang maliit na script na ginawa ko bilang isang eksperimento, at sana magustuhan to ng lahat.

And board na ito ay madalas na pinag-uusapan ang kalidad ng mga posts, ngunit kakaiba ang paskang ito dahil walang eskaktong metric para malaman ng sigurado kung ang isang post ay may kalidad o hindi. At dahil dyan, ginawa ko tong tool na nagpapakita kung gaano karaming users o kulang, o kung gaano kadami ang kaildad ng post na ginawa nila nung sila sa oras na ginugol nila sa forum.

Ang tool na ginamit ko ay galing sa Tryninja website (salamat lagi ) bitlist.co at ang forum na ito.

And mga datos na sinuri ay posts, Merit at profile age (data galing sa forum) merito nung 120 na araw at mga posts nitong 120 na araw (datos galing sa bitlist.co).

Ang ginamit na formula ay ang mga sumusunod.



Code:
Q_hist = M_tot / max(P_tot, 1)

Q_120 = M_120 / P_120      if P_120 > 0
Q_120 = 0                   otherwise

Age_factor = min( log(Age_days + 1) / log(3650), 1 )

Activity_factor = min( P_120 / 50, 1 )

Score = 0.5 * Q_hist * Age_factor
      + 0.3 * Q_120 * Activity_factor
      + 0.2 * Q_hist

Quality_score = 0.6 * Q_hist + 0.4 * Q_120    if P_120 > 0
Quality_score = Q_hist                         otherwise

Code:
Variables
P_tot
Total number of posts written by the user.
M_tot
Total number of merits received.
P_120
Number of posts written in the last 120 days.
M_120
Number of merits received in the last 120 days.
Age_days
Account age in days, calculated from the registration date.

Core Ratios
Historical Quality Ratio
Represents long-term posting quality and reputation.
Q_hist = M_tot / max(P_tot, 1)
This ratio grows slowly, cannot be inflated quickly, and rewards consistent contribution over time.

Recent Quality Ratio (120 days)
Measures current posting quality.
Q_120 = (P_120 > 0) ? (M_120 / P_120) : 0
If the user is inactive in the last 120 days, recent quality is considered zero, avoiding artificial inflation through inactivity.

Stability and Activity Factors
Age Factor (logarithmic)
Controls how much account age influences the score.
Age_factor = min( log(Age_days + 1) / log(3650), 1 )
The effect increases smoothly and reaches its maximum after roughly 10 years.
This prevents very old accounts from having unlimited advantage.

Advanced Score (internal weighting)
This score combines history, recent behavior, age, and activity in a balanced way:
Score = 0.5 × Q_hist × Age_factor
0.3 × Q_120 × Activity_factor
0.2 × Q_hist
This value is mainly used to study behavior and tune the system.

Final Quality Score (displayed)
The main score shown to users is:
Quality_score = (P_120 > 0) ? (0.6 × Q_hist + 0.4 × Q_120) : Q_hist
Active users are evaluated using both historical and recent quality.
Inactive users retain their historical quality without penalty.
Activity Status
Activity is shown separately and does not affect quality.
If P_120 = 0 and Age_days > 180 → Dormant
Otherwise → Active
This allows labels such as “Dormant – Elite”, which correctly describes historically important but inactive accounts.

Para maging patas, sasabihin ko na tumanggap ako ng tulong kay le chat mistral (ai), kung saan ako ay nag proposed ng aking mga nakaraang formula, na ang  (merit_120d * Merit)/post pero maraming mali ito. Tinulungan nya ako na gumawa ng formula na to na mukang mas matibay.

Maraming salamat sa mga taong sasali sa mga pag-uusapn na to. Sana makita nyo na may pakinabang ito.



====== Pagbabago =======

Naisipan ko na ilabas ang script. Makikita nyo to sa mga sumusunod na link

Bitcointalk Brdb score — Greasyfork

Kung sino man ang gustong sumubok at mag bigay ng kuro-kuro, kayo ay aking inaanyayahan.

Mahalagang paalala: Kung ang script ay hindi nagsimula pagtapos ng ma-install, kailangan nyong pumunta sa bitlist.co website ang kumpletuhin ang 2-second anti-bot verification. Si Tryninja ay gumawa ng paraan para maiwasan ang DDoS na pag-atake, at malinaw ang website ay hinaharang ang aking script.

Narito ang mga ilang screenshot ng tool.

Bagong formula at pagsubok












fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 171


You Attract What You Are


View Profile
February 02, 2026, 10:06:52 AM
Last edit: February 04, 2026, 12:54:22 AM by fullfitlarry
 #3

Akda ni: 1miau
Original na Akda: Why it’s important to avoid telling everyone about your crypto holdings




Sa unang tingin, hindi masamang sabihin sa ibang tao na mayroon kang Bitcoin, pero may mga detalye na dapat kang tandaan.


Sabihin ito sa mga iyong mga kaibigan ay maaaring hindi maganda ideya

Kahit sabihin mo na sila ay iyong mga kaibigan, kailangang maging maingat ka parin sa pagsabi sa kanila tungkol sa iyong hawak na crypto.

Katulad ng karamihan, may mga taong mabilis mainggit, lalo na kung ang tingin sa yo ay mayaman ka (kahit hindi) at magsimulang mag makaawa na sana bigyan mo sila. At ito ay magdudulot ng kawalan ng tiwala at ang magandang samahan nyo dati ay permanenteng masira.

O kaya sa kabaligtaran, alam nating lahat na mga ilan sa kanila ay hindi marunong magtago ng sekreto at sasabihin sa iba, at ikukuwento sa iba pa. Kapag ganun, posibleng ang mga taong nakakaalam nito, ay mag selos / magkaroon ng hindi magandang relasyon sa yo / o kaya naman ay mga kriminal na may plano na kunin ang iyong crypto.

Kaya naman, mas maraming taong nakakaalam ng iyong hawak na crypto, mas malaki ang pagkakataon na ang masasamang tao ang makakaalam nito.



Kapag naugnay ang iyong pag-kakakilanlan sa Internet sa totoo mong pagkatao ay lubhang mapanganib

Sa pagkahalatan hindi magandang ideya na gamitin mo ang tunay mong pangalan sa Internet, lalo na pag dating sa cryptocurrencies. Naaangkop to sa forums, sa mga pam publikong social media accounts patungkol sa cryptocurrencies lalo na sa lahat ng serbisyo, na kung saan ginagamit natin ang email address o kaparehas nito.

Dahil ang email address ay laging kailangan sa pagpa rehistro sa ibat-ibang accounts, kailangan mong gumamit ng bagong gawang email na wala ang tunay mong pangalan. Pino-protektahan nito laban sa spam at sa mga manloloko na gustong malaman ang tunay mong pangalan at saan ka nakatira.

Gamit ang social engineering, ang mga manloloko at maaring magsulat ng kanilang konklusyon tungkol sa tao, at ilan ang crypto na pag mamay-ari nila, saan nakatira at i-plano ang isang pagnanakaw.



Ang KYC ay pwede rin ibunyag ang iyong pagkakakilanlan sa mga taong hindi dapat malaman ito

May malaking maling pagkaunawa sa pagitan ng layunin at resulta ng isang KYC-procedure.

Mahalagang tandaan na kailangang maingat tayo at alam ang panganib sa paggawa ng KYC. Mas mabuting iwasan to kung kaya mo at sapagkat ayaw mong may masamang surpresa. Ang mga Mangloloko / Hackers ay gagamitin ang ninakaw / hacked na mga personal na impormasyon para malaman ng mas malalim ang iyong address / lokasyon / ibenta sa iba para sila ang mag plano ng pagnanakaw sa yo sa bahay ay kunin ang iyong crypto. Kahit ang Coinbase ay nahuling, nagbebenta ng user data..

Ito pa ang ilang mga dahilan kung bakit ang KYC ay ilalagay ka sa panganib. Bakit ang KYC ay lubhang nakakatakot at walang silbi (hindi maaasahan)



Ang sobrang maling paghawak ng mga personal na impormasyon ay posibleng magdulot na ikaw ay mabiktima ng $ 5 wrench attack

Maraming paraan na pag atake na kung saan ay pwede mong mawala ang iyong cryptocurrencies: scams, phishing sites o na hacked na wallets. Isang paraan para maiwasan ang sikat na  $ 5 wrench attack:


https://xkcd.com/538/

Pwede itong maiwasan ng maayos kung ang mga umaatake ay hindi alam ang iyong personal na datos at saan ka nakatira.



Sa huli, nasa bawat isa kung paano pangangalagan ang kanilang sariling datos ang kung sino ang makakaalam ng kanilang hawak na crypto. Isang patakaran, laging ina- abisuhan na mag-ingat kung may pagdududa. Kasama ang lahat ng aksyon sa Internet na isang posibleng may pagbabanta sa ating privacy.
Kapag ang impormasyon ay inilabas, hindi na natin pwede itong ibalik kasama na ang (masamang) kahihinatnan nito.

fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 171


You Attract What You Are


View Profile
February 09, 2026, 11:00:59 PM
Last edit: February 15, 2026, 02:22:12 PM by fullfitlarry
 #4

Title: Tahimik na Pagbabayad

May Akda: witcher_sense
Original na Akda sa English: Silent payments




Panimula

Sa thread na ito, nais kong pag-usapan natin ang isang kawil-wiling panukala ni Ruben Somsen, na tinatawag na "Silent payments", na isang teknik na pinapaayos ang pribado at ang nais gawin sa pamamagitan ng dalawang partido sa blockchain na hindi masyadong malinaw sa mga tagamasid na galing sa labas. Ito ay base sa konsepto na "stealth addresses at "reusable payment codes" at subukang lutasin ang parehong problema pero sa isang eleganteng paraan.

And pangunahing ideya

Ang pangunahing ideya ay ang mga sumusunod: maglalabas ang user A ng isang identifier (karaniwan ay isang pampublikong susi), at pagsasamahan ni User B ang kanyang pribadong susi sa nailathalang susi ni A at gagawa ng isang natatanging address na kung saan si A lamang ang pwedeng gumastos dito. Si User C ang pwedeng magpadala ng pera kay User A sa pamamagitan ng pagsama ng kangyang pribadong susi sa address ni A at maglabas ng isang natatanging address. Malalaman ni User A na ang parehong users B at C ay nagpadala ng pera sa kanya, pero si B at si C at hindi malalaman ang isa't isa. Dahil dito, si User A ay makakatanggap ng bayad sa kompleto sa mga hindi magkakaugnay na address gamit ang isang pampublikong address lamang.

Paano ito gumagana

Sabihin natin na si Bob ay gustong magpadala ng tahimik na bayad kay Alice.

1) Si Alice ay gagawa ng isang natatanging tagapagpabatid (sabihin nating pampublikong susi) gamit ang matematika ng elliptic curve:

 A = a*G, kung saan

A - pampublikong susi ni Alice (nakaturo sa isang elliptic curve),
a - pribadong susi ni Alice (isang random na numero na dapat lihim), at
G - ang generator point (mga paunang-itinakda na punto sa elliptic curve).

2) Ginagawang pampubliko ni Alice ang identifier na A upang malaman ni Bob (at ang iba pang gagamit katulad ni Carol) para malaman kung saan dapat magpadala ng mga bayad.

3) Pinili ni Bob ang isa sa mga input na kontrolado niya na naglalaman ng isang pang pumblikong susi

B = b*G, kung saan

B - pampublikong susi ni Bob (nakaturo sa isang elliptic curve),
b - pribadong susi ni Bob (isang random na integer na si Bob lamang ang nakakaalam), at
G - ang generator point.

4) Kinuha ni Bob ang pampublikong susi ni Alice na A at gumawa ng bagong pampublikong susi gamit ang sumusunod na pormula:

A' = hash(b*A)*G + A, kung saan

A' - isang pampublikong susi na kung saan dito pinapadala ang bayad kay Bob.

5) Nagbayad si Bob kay Alice, na gumawa ng isang output na kaugnay ng naunang ginawang pampublikong susi na A'.

6) Dahil sa b*A = b*a*G = a*b*G = a*B, si Alice ay makabubuo ng parehong muli nang mabubuo ni Alice parehong pampublikong susi na A' gamit ang kanyang pribadong susi na a sa sumusunod na pormula:

A' = (hash(a*B) + a)*G, kung saan

hash(a*B) + a - ang bagong pribadong susi ni Alice na pinapayagan sya na gastusin ang pera mula sa output na tumutugma sa pampublikong susi na A'.

Ngunit, ang problema ni Alice ay kailangan nyang malaman ang pampublikong susi ni Bob na B upang malaman ang kanyang bayad, kaya siya ay patuloy na nag scan sa blockchain para malaman kung alin sa mga pampublikong susi ang pwedeng pagsamahin sa kanyang pribadong a susi upang mabuo ang isang umiiral na bitcoin address.

Mga Bentahe:

1) Hindi kailangan ang interaksyon mula sa nagpapadala at tumatanggap. Para sa magpapadala ng bayad, kailangan lamang nya na bumuo ng isang address galing sa silent public keytatanggap

2) Ang tahimik na pagbayad ay gumagamit ng blockspace na epektibo dahil hindi na kailangang "ianunsiyo" ang transakyon gaya ng sa kani ng BIP147. Kaya naman, isang transaksyon ay katumbas ng isang bayad, at ito perpekto para sa isang beses na donasyon

3) Ang mga silent na transaksyon ay hindi matutukoy mula sa mga karaniwang transaksyon (hal. walang OP_RETURN outputs para ibahagi ang isang pansamantalang pampublikong susi gaya ng sa kaso ng "Stealth addresses"), na nangangahulugang napakadali para sa mga gumagamit na magtago sa karamihan - ang anonimong hanay ay ang buong blockchain.

4) Ang mga address na galing sa paunang silent public key ay laging deterministic at natatangi dahil ang bawat nagpapadala ay gumagamit ng kanilang natatanging susi para ibahin nang kaunti ang taga tanggap ng tahimik na pang publikong susi.

5) Ang mga tahimik na pang babayad ay nagbibigay ng insentibo sa mga tumatanggap ng pondo para panatilihin nilang tumatakbo ang sarili niyang Bitcoin full node, na awtomatikong nagreresulta na mga desentralisadong network.

6) Walang sinuman, maliban sa nagpadala ng transaksyon at sa tatanggap nito, na nagkaraoon ng bayaran.

7) Ang tahimik na pagbabayad ay lubos na pinapabuti ang fungibility ng mga transaksyon sa bitcoin.

Kahinaan:

1) Ang pinakamalaking kahinaan ng teknik na ito ay ang medyo may kamahalan ang pagpapatunay. Sabihin na natin na ang tatanggap ng bayad ay hindi alam ng maaga kung anong bitcoin addresses ang pwedeng gastusin gamit ang private key na sya lang ang may kontrol, dapat nyang suriin ang bawat input ng transaksyon, kalkulahin at pang hambingin and pampublikong susi.

2) Ang potensyal na pag ulit ng address sa pagpadala. Kapag ang isang nagpapadala ay may maraming input na ipinahagi ng parehong pampublikong susi, bawat isa sa mga input na ito ay magreresulta sa parehong kinalkulang address. Ang pag ulit ng address ay kinokonsedera na hindi magandang gawain sa pagkapribado at dapat itong isawan sa lahat. Pwede naman gawin ang paglalagay ng mga karagdagang impormasyon sa proseso ng pagkukuwenta, ngunit gumagawa lamang ito ng karagdagang gawain, lalo na sa mga light client. Bilang alternatibo, ang nagpadala ay pwedeng gastusin ang lahat ng input sa isang transaksyon, pero heto parin ay magpapakita kung sino ang iisang may-ari, na nakakasira sa pagkapribado.

References:

1] https://gist.github.com/RubenSomsen/c43b79517e7cb701ebf77eec6dbb46b8
2] https://github.com/genjix/bips/blob/master/bip-stealth.mediawiki
3] https://github.com/bitcoin/bips/blob/master/bip-0047.mediawiki
4] https://en.m.wikipedia.org/wiki/Elliptic-curve_Diffie%E2%80%93Hellman
5] https://bitcoinops.org/en/newsletters/2022/04/06/
6] https://bitcoinmagazine.com/technical/bitcoin-silent-payments-secret-keys
7] https://bitcoinmagazine.com/technical/improving-bitcoin-privacy-with-silent-payments
8] https://gist.github.com/w0xlt/72390ded95dd797594f80baba5d2e6ee




Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng:


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 171


You Attract What You Are


View Profile
February 19, 2026, 12:11:51 PM
Last edit: March 01, 2026, 07:58:49 AM by fullfitlarry
 #5

Title: Ang leksyon ni Satoshi

May Akda: Theymos
Original na Akda sa English: Satoshi's lesson




Ang mga pundasyon ng Bitcoin ay tinatag sa bato 10 na ang nakakalipas sa paggawa ng genesis block, at ang bersyon ng Bitcoin 0.1 ay opisyal na inilabas pagkatapos ng isang linggo. Ang bersyon 0.1 ay kamangha na kumpleto, at ang kahanga hanga ay meron lang itong konting bugs. Mayroon din itong mahusay na forward-compatibility, na may pag supporta para sa mga softforks sa hinaharap sa anyo ng mga OP_NOPn opcodes. Bago pa man malaman kung paano gumagana ang desentralisadong cryptocurrency, pinag-aralan na ni Satoshi kung paano idadagdag sa Bitcoin ang mga bagay katulad ng smart contracts at mga channels sa pagbayad. Ito ay kamangha-mangha, at maraming tao ang tumitingala kay Satoshi sa kanyang nagawa sa Bitcoin at sabihing, "Si Satoshi ay isang henyo sa crypto, ang susunod na Einstein." Ngayon, sa tingin ko, hindi nila nakikita ang tunay na punto.

Nang ginagawa ni Satoshi ang ang Bitcoin noong 2007-2009, halos lahat ng panguhahing ideya ng Bitcoin ay kilala na sa komunidad ng cryptography. Noong 1996, may buod ng mga dating akademikong gawa tungkol sa electronic cash ay inilathala, at pinag usapan ng mahaba tungkol sa mababang-antas na cryptographic primitives na gamit sa Bitcoin at gamit ang mga pamilyar na salita katulad ng "double spending". Ang Hashcash proof of work ay sikat na, at sa pagkakatanda ko sa pagbabasa dito bago pa man sa Bitcoin bilang isang ideya para pigilan ang spam sa email. Ang git ay gumagamit ng parehas na kadenang hindi napuputol ng hashes na katulad ng block chain ng Bitcoin, at unang inilabas noong 2005. Si Satoshi ay gumawa ng isang malaking pag talon: pinagsama sama nya ang mga bagay na ito para maiwasan ang dobleng pag gastos gamit ang PoW na block chain. Ito ay kamangha mangha, ngunit ang parehong kislap ay mangyayari sa sinumang sumusubaybay sa mga bagay na ito.

Si Satoshi at hindi lamang kamangha mangha dahil pinanonood nya ang mundo ng crypto at nagkaroon sya ng isang mahusay na ideya. Siya at kahanga hanga dahil sa pagkakaroon ng ideyang iyon, isinakatuparan nya iyon. Alam nyo kung anong gagawin ko kapag nagkaroon ako ng ideyang ganun? Sigurado sasabihin ko yon sa kaunting tao lamang, baka nagsulat ako ng code kung pakiramdam ko ay ako ay ambisyoso. Alam nyo kung ano ang ginawa ni Satoshi? Ginugol nya ang 2+ na taon at pag-isipan ang bawat posibleng aspeto ng sistema na pumasok sa isip nya, at sumulat ng code sa gagana ng sa totoong mundo. Ang code ni Satoshi ay magaling, pero kung sino man na nagbasa ng magandang libro sa C++ ay pwedeng gumawa ng parehas na ka gandang code. Sinuman na kumuha ng panimulang kurso sa crypto o nagbasa ng ilang libro tungkol dito ay maiindintindihan ang paggamit ni Satoshi ng crypto primitives. Ang gawaing paglikha ng Bitcoin ay kinakailangan ang maliit na kislap ng katalinuhan, katamtamang nalalaman at isang nakapalaking dedikasyon sa pag-iisip patungkol sa coding, at pagsubok ng sistema hanggang sa ito ay gumana ng eksakto sa kanyang isip.

Ang leksyon ni Satoshi ay hindi mo kailangang maging kasunod ni Einstein para mabago ang mundo. O kaya magkaroon ka ng maraming pera o impluwensya para sa  "movers & shakers" ng mundo. Kailangan mo lang pag sumikapan ito. Maaring si Satoshi ay isang ordinaryong hobbyist katulad ng ilan sa atin dito, nakita nya na may kulang sa Uniberso, at nakipag laban sya ng patayan sa loob ng 2+ na taon hanggang sa maitama ang imperpeksyong na ito. Ito ang dahilan kung bakit si Satoshi ang at kanyang gawa ang aking pinaka malaking inspirasyon.

Malayo na ang narating ng Bitcoin sa loob ng 10 taon, pero marami parin itong lugar para lumago, na may maraming hamon at oportunidad sa hinaharap. Kung paano ang Bitcoin ay umusad at paano ang gawa ni Satoshi ay pinagpatuloy - ay para sa maraming tao hangga't maari at akuin at personal na responsibilad para mababuti ang ekosistema ng Bitcoin, gumawa ng mga kawili wiling bagay, at baguhin ang mundo para sa ikakabuti nito. Dahil matagal na nating nalampasan ang mga buwan, nawa'y makiisa kayo na bituin naman ang ating abutin.

Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng:


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 171


You Attract What You Are


View Profile
March 01, 2026, 11:27:36 AM
Last edit: March 05, 2026, 08:50:58 AM by fullfitlarry
 #6

Bagong topic: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5353904

[Mga baguhan] Basahin ito bago ka mag-stake ng address

Ang pag stake ng address ay nangangailangan na intindihin mo ng mabuti kung ano ang eksakto mong gagawin, lalo na kung ikaw ay baguhan. Gayundin,
Signatures and their capabilities are complicated.
Kaya napag desisyunan ko na gumawa ng thread na to: para gawing hindi kumplikado sa mga baguhan at para malaman nila kung ano ang kanilang gagawin. Kung ikaw ay baguhan, maaari mong malaman kung bakit mong dapat i stake ang iyong address at paano (kung anong softwares). Magtutuon ako kung paano i-stake ng maayos gamit ang pang unawa.




Pag Stake.

Kapag ikaw ay nag stake ng address, ginagawa mo ito para kung kailangan, ay mapapatunayan mo na sa iyo ang account. Ang problema madalas, ang mga tao ay kumikilos na parang mekanikal, kaya ang kinakahtnatnan ay hindi nila alam kung ano talaga ang kanilang ginagawa. Kung hindi ka pa nakapag stake ng address dati, ikaw lamang ay pupunta sa tamang thread at iwan ang iyong address na nabuo galing sa non-custodial wallet, nang ganun-ganun na lamang:

Code:
This is my address, please quote it: bc1q0fc0e3e0zpve6qg2fw2tfxwnvsw5p4kae3u2yx

Hindi na kailangan na magbigay ng isang pirmahang mensahe galing sa address, kasi alam namin sa sandali, ang may-ari ng account ay nag stake ng kanyang unang address. Ito ay sa kanila at malinaw kahit na may pirmahan o hindi pa.

Minumungkaii na gumamit ng natatanging address, lalo na yung hindi pa nakakatanggap ng Bitcoins. Pwede mo ito gawin, sa pamamagitan, ngunit ito ay makakasakit sa iyong pribado. Mas mabuti na simpleng pumili ng address na walang kaugnayan sa iyong transaksyon.

Pag Pirma.

Kapag ikaw ang nag bigay ng katibayan ng pagma may-ari, ikaw ay pipirma at ilalathala mo ang mensahe. [ito ay kung paano] [ito ay kung bakit]

Code:
-----BEGIN BITCOIN SIGNED MESSAGE-----
I am BlackHatCoiner. Today is 08/11/2021 (15:01). This is a proof that I still own bc1q0fc0e3e0zpve6qg2fw2tfxwnvsw5p4kae3u2yx.
-----BEGIN SIGNATURE-----
bc1q0fc0e3e0zpve6qg2fw2tfxwnvsw5p4kae3u2yx
Hyi7C7hHSBN3cVV0Q3NF7poPFox49Zehs0z2WRWEV1x/ZdJUpcGWT5UUhWZylZ3SNFn0DU6ITNZgqu0goqY2C8s=
-----END BITCOIN SIGNED MESSAGE-----

Kung gusto mo na mag stake pa ng isang address, kailangan mo na pumirma ng mensahe sa luma mong address at kasama dapat ang bago mong address.

Code:
-----BEGIN BITCOIN SIGNED MESSAGE-----
I am BlackHatCoiner. Today is 08/11/2021 (15:01). My new signing address is bc1q2mxckeclkndcu68m5v7qhf6guwakn6en96s2mc.
-----BEGIN SIGNATURE-----
bc1q0fc0e3e0zpve6qg2fw2tfxwnvsw5p4kae3u2yx
IChf1za07r3UTa2CGlU4mVpQaHlVAK3N8yK3ViASvfbtbstLNX60TSfFml+9VAR4czTMP9Y8+yyDkB+XwZmPRlM=
-----END BITCOIN SIGNED MESSAGE-----

Dapat mong tandaan na wala dapat na dahilan na pumirma ng mensahe galing sa bagong address, sa kaparehas na kadahilanan na hindi dapat kailangan gawin sa iyong unang address. Alam natin sa sandali, na ikaw ang pumirma ng mensahe galing sa luma mong address. Sa makatuwid, pwede natin sabihin na ikaw talaga iyon at pumili mo na mag stake ng isa pang address.

Maaring mangyari sa maraming kadahilanan. Isa ay dahil sa takot na ma kompromiso and luma. At kapag ito ang kaso, kailangan mo sabihin na sa pag pirma ng mensahe na ang pag mamay-ari ng account ay sya rin nag bigay ng pirma galing sa bagong address at hindi sa luma.

Pag Pagsipi at Pagpapatunay.

Ngayon ito naman ay opsyonal na hakbang, para lamang doon na gustong tumulong sa pagsipi at pang berika ng mga thread's addresses.

May ilang mga gumagamit na pinili na mag stake ng address kasama ang pirma na mensahe sa unang pagkakataon, kung pakiramdam nila na ang staking ay para lamang sa address ngunit hindi sapat (kahit na pinaliwanag ko sa itaas na ito ay sapat na). Kung ang gagamit ay ini-stake ang pirmang mensahe, dapat mo itong beripikahin.

Kung ang mensahe ay hindi ma mapatunayan, ganon, hindi nagbigay ang gagamit ng isang wastong pirma. Kung ganon ang kaso, dapat kang sumagot at sabihin sa kanila na may mali silang ginawa sa panahon na isinasagawa nila ang paraan at "sumagot" ang ibig kung sabihin at kopyahin mo ang buong mensahe sa sandaling baguhin nila ang kanilang post. Kung ito ang kanilang unang pagkakataon na mag stake ng address, ayos lang ito. Matututo din sila. Ngunit kung nag stake na sila dati pa ng address and gusto mag isang bagong address, at hindi makapag bigay ng isang wastong pirma ng mensahe galing sa dating address, nagiging kahina hinala ito.

Kung naging matagumpay nilang nabigay ang pag pirma sa mensahe at magiging katulad nito:

Code:
-----BEGIN BITCOIN SIGNED MESSAGE-----
I am BlackHatCoiner.
-----BEGIN SIGNATURE-----
bc1q0fc0e3e0zpve6qg2fw2tfxwnvsw5p4kae3u2yx
H1kZ1IEa3WY1LOjsyj/5rWE1bjS7dzWXaPDsXFqK3zSUcYJvAcjAxGzZn+UDoIU7sDu+nTS+i4QF4eH4fXYnVzA=
-----END BITCOIN SIGNED MESSAGE-----

Tatanggihan mo iyon at magtatanong ka ng isa na hindi pa napipirmahan dati. Upang matiyak na ang orihinal na may-ari ay hindi pa pinipirmahan ang hinihinging mensahe (na ang hacker ay maaaring nakuha na ito sa kanya), kailangan mong itanong ng maayos na magbigay sa yo ng dagdag na bagay; Mag post ng isang mensahe at isama ang oras, at para ma kumpira ang pag ma may-ari ng account.

At kung patungkol sa mensaheng pinirmahan na may panipi: Hindi mo na kailangan magbigay ng link na kung saan pupunta ang magbabasa sa website/image para kumpirmahin ang mensahe at ma beripika. And tanging kailangan parte ay ilagay sa panipi ito para ang mga mambabasa ay pwedeng kumpirmahin na ang account ay hindi pa na kompromiso at ang origihal na mensahe ay iiisa. Mayroon din mga mabuting intensyon ang users na gumagawa ng websites na nag-archive ng bawat post na ginawa. [loyce.club, ninjastic.space]



Kung sa tingin nyo ay may mali ako o may hindi ako naisamang importante, pakisabi na lang sa kin.

Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng:


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 171


You Attract What You Are


View Profile
March 09, 2026, 09:36:11 AM
Last edit: March 12, 2026, 09:32:18 AM by fullfitlarry
 #7

Bago: for translation - https://bitcointalk.org/index.php?topic=5474187.0

Kamusta BitcoinTalk!

Sa ngayon, nakagawa na ako ng dalawang PGP tutoryal, at ito ay para sa mga gumagamit ng Linux at Windows. Pero ako ay napa-isip kung meron kahit anong apps para sa mga gumagamit ng Android. Karamihan sa aming lokal na gumamit at mga Android devices. Kaya, nandito na naman ako para sa isang PGP thread, at sa hula ko ay ito na ang huli. Wala akong MAC o IPhone para masubukan tong PGP sa mga devices na iyon.

Quote
Image source: primekey.com


➥ Marami pang PGP Tutoryals:


➥ Pag-Install OpenKeyChain

Ang Openkeychain ay isang Android App na pwede mong makita sa Play Store, Hanapin mo sa Play Store, o kaya subukan mo sa link na ito; https://play.google.com/store/apps/details?id=org.sufficientlysecure.keychain
At pagka tapos mong ma-install ang app, paki buksan mo ito at sundan ang mga sumusunod na hakbang.

➥ Pag Generate ng Key:

Sundan ang mga sumusunod na hakbang sa ibaba. Tingnan ang kahulugan ng mga larawan.



Pindutin ang Create My Key


Ilagay ang iyong pangalan at pindutin ang Next


Isulat ang iyong email at pindutin ang next



I-tsek ang Public on keyservers
 na gusto mong i-upload ang iyong public keys
at sa key server at Pindutin ang Create Key


Ang iyong Susi ay nililikha


Ang susi mo ay handa na

Para makita ang iyong public key, tapikin ang Icon ng clipboard, at iyon ay mag kokopya ng iyong Public key PGP. Sa aking kaso, ito ang aking Mobile Public Key, na nagawa ko isang minuto na ang nakakaraan.

Code:
-----BEGIN PGP PUBLIC KEY BLOCK-----

mQGNBGVUvDUBDACbMfY1mvnLKjp0M8t1PMqh6YBTF9sx9RPNpj+G9CLBrNalcc+2
bQRdFWJjxIEImSsKf4Khaen3rTNtkQ39bNG3qBEoBgOazrK0FEulW93P0BsqbpzT
l1SkDfIAXEDTrHsJ2noTbZT7S1eKsNCpnrWUb1h8rmOtBiCcBcxtgDQ+WDMbYiqe
/J8bNY0otjCoIcUJnSNIFbZuRvgA3ftqkGzFFy3JpcFb3PpiP7FGCwlRdIp2Z/gL
gbhPb5gSrHebNADKIbfwo4zkTi1rWYiOyhhHxfe9hmYSqWdO2e7n4Ip6EDCPdip6
YE0tYgTEMpZS2MUzyhEzI3sdhc/tD/+ZA065MVbyD6jr7DrflLQEpvFKTxTFEucf
5/sj2fEoFi9DlXpZYaupnkQE4StmbfsqBo2HGLvuU1VVAswEbs03BNgnAf0aZs/G
DLDdcOIeXM5kebj3OLjNUBNYyXfzhyjj1HHKPSN8V7gseBxjWvOjsiXY0xlzGOLt
q2wny8/WbtaYPgsAEQEAAbQoTGVhcm5CaXRjb2luIDxsZWFybmJpdGNvaW5AdGVz
dG1haWwuY29tPokBsAQTAQoAGgQLCQgHAhUKAhYBAhkBBYJlVLw1Ap4BApsDAAoJ
EBMhjHliVQZM3Z0L/i7EhA7EQgDIk5DPj14sKJB0KQ4UU2IJeoJ3nZOSQcQoayzd
dFPdCHzYPzv9eK8RxYONeLw1QWV81AB+KAiPxKwLN617J+o1lqpYfyMVW8MYWomr
0kfVR4L/6IyqJ2HI61+rFR1Vjdc0XkDMBRGKX0fIKRzoCD8JptzyP5vjI/QIa7LQ
YiNWys7BWwFmZb9t8b+hyUc8sctURLo5IWYKzshWoXtKQUWEjTrF8JNaGe80AbPy
XjlqZAdM9vk3l01MRVjQN26UH7LxO514737F9rU2qeLzMJRmIFZsh9vO0feEVYqr
pPUSbSdzyW5+geuhPRKYA2P2+b5JBaMFm/sLUQiDUH/3yvGZ698Uy+hxPi7R8UH9
loqfkwFPGBba8G1SUkK2XXgbojEh9ge5G3zMQfxkzK1YDuSPUd2zhydxyVVYm53a
kRhO27K0rqJBBcukOYRzSWC4ZV5Fp8c2zNC4DWSB0gfwKVUsORqdG3yp3Sl1f7Jj
HAxk3iI3LRHLMtUmibkBjQRlVLw1AQwAzLEAPZmy/Jt4vRPI3+gshMJjIghAQecf
OC6AG0n4ufGFR/u2AlTtRQ092tLPOUZVCoAxfWTNzeab/2viWpDGLi07u+0AqxAJ
6CMybBbeqbLTXLiSBU5kyrmd9fPLS/jhA55edeS6KUp/SVuNy2YqpuMidOf0z0V9
gbB/cGJvVkfn5ko7gZ+FYUKAbJsHUFvNBz6sf8Q4sBeOFu3E8e7Byo/aY7okDF0Y
4NrIuxLd7zNOwS7VxXtNrguUPGr26Vn0NY7FhZaoowP5QfrgYpOMKAt8MUwI58sr
ucxiUVaFqArd1BkFYyPO9Au/2EYglVJ+jMrn2W4NN2JDA+ctMfoGKVm6X7Vqg61w
dozcTRGa2JAmmE17LQbwl1yzFEMxnpuAJB8R9wg2/EYFCQC+/8CNEa8TR4Nf46dw
h3+gBW6/vin2qG5a9HXr1I4f9cmC6Svqn6SzOHe0ImGy7xSoHtCv7b74ZNlxtYxM
qd3IdeSSLKtYYZQXQQ2TslRQJHn+IrkLABEBAAGJAZ8EGAEKAAkFgmVUvDUCmwwA
CgkQEyGMeWJVBkyGNgv8DqC/h/NVE9nD0Fc9fzmMyGCmHQZniDTRh4ZWjcgyGARl
p8pH70GXExTTF0ML/DVwQlC362a9fF5WQlAHmhuaGywO4qUGR0QM3o3Ky6idzYex
Wrh+1/WnupStadvcoSFOyDyDF+sKB4alCEGEq4Q1OPIZ3vTOuq8XKkr6H74tLo09
VAou05xvruLK6eCPVEdl7NkyzSNZbbm8QMErgAoUu0LWaKVrr0OYuFZHofGqEBRv
WaI2X2JC9ldP2k5RwNGer3JPrGyZ5Ts/9LcJJqGHkcJoYZ04Aio10MemOflN3lUd
SWdaNrYKdc5fmTqz3hZTdNTV3bhYN/NFfBKgZq2MKUa85rQnCVpBF38xlNPZpc7W
w1nGvdqaQsEqAibMbPXIbR2m3YSwjoNeudQ13vIRkbT2H6tsymcrEMPU7gZHMFyk
6e4l8Rkb5keaxcE7eg04EyoCjgLbio9vAeUCYB1HutNBBoTCgja/zXJCR2j7Az0k
4EVqsclfu8pf60TmSlrC
=rso3
-----END PGP PUBLIC KEY BLOCK-----


➥ Pag-export ng Secret Key:

Upang i-export ang iyong secret key, sundin ang mga hakbang na ipinapakita sa ibaba:



Pindutin ang tatlong tuldok at i-tap
ang Backup Key


i-tsek ang I have written down this
backup code at pindutin ang Save backup


I-save ang file sa iyong device


Siguraduhin na isulat mo ang Backup key. Kung susubukan mo na i-import ang Secret key sa ibang device, magtatanong ito ng iyong backup key.



➥ Pag papadala ng Encrypted Message:

Para makapag padala ng Encrypted message, kailangan mo ang PGP Public key ng isang tao, at kailangan mo tong i-import sa iyong device para makapag padala ka ng encrypted message. Para mag-import ng Encrypted key ng isang tao, kopyahin mo ang Public Key. Sa aking kaso, kokopyahin ko ang iba kong test key. Pagkatapos kopyahin ang tatanggap ng Public key, sundan ang mga mga hakbang sa ibaba::



Pindutin ang + Icon at i-tap
ang Import from file


Pindutin ang tatlong tuldok at pagkatapos
pindutin ang Read from clipboard


Pindutin ang Import


Ngayon meron ka nang address ng tatanggap. Magpapadala na tayo ng Encrypted na mensahe.
I-click ang tatlong guhit sa kaliwang bahagi sa may itaas, at sundin ang mga sumusunod na hakbang sa ibaba:



Pindutin ang Encrypt/Decrypt


Pindutin ang Encrypt Text
 

Pindutin ang Encrypt para maisulat mo ang pangalan ng
user na iyong inimport isang minuto ang nakakaraan


Ngayon isulat mo ang iyong mensahe, at ang huli, Pindutin ang naka saradong Clipboard icon sa kanang bahagi sa itaas. Iyon ay mag encrypt ng iyong mensahe at kokopyahin ang encrypted PGP na mensahe. Ngayon, idikit mo ito kahit saan para makita mo ang hitsura nto. Narito ang aking resulta.

Code:
-----BEGIN PGP MESSAGE-----

hQGMA01VYPjWVnQkAQwArWsqENxsVrwd0U2Y0TR+5ODURn3WKT+cZJv8hO8MAKL8
yER5Y1ULQ4/zsGqZqHx/3yjaArV/OmvKLfcYRwKMMnppUwrs0+mHWlQupfo+1aO9
tL9yDxO7urmAp7uttDV5N2vDRGQhyWUo5tDo3WDg1sParCD+oDUxPovy6Nnp+/kd
d13XQWpZYnUssn3hAtWvYtFpuHeqSbD6kBiyGqrMd1YKSGWe/B/aat4iwq0bVuUH
qsZkT7kX5gbEv50/MAjs2N7k8AAQZBIapOA3yPF2GXREuF5n9MkQmr/O6x8lC7cS
K8IbtsLWk+tEE9mJUMQifXJEMNJPnkgEEVVaDClD5ulfW/X766nWoW53U27ge4nG
CljJfAx4cRpy0mEB6io0zi7ME4n7MvFd+1p0UBo76XUkAh8uJl7zx9KId5hqZSnF
FVkS3uuG4/IFk8I+ExE/nJQloJO0fOb8sFNlXWbxPsPMUaFRtzP4FcAzDghGp894
dH59WmYEJuhhAO4XQw9o0sFZAZ0+lQkQg5c9T7xzXVD8tum1YLIHPJ51+soLO3uO
nQSdv3ui8bUpLDPi+GneELaPkmqWfbKV2kkUpcMmDofQjwwEG+6HEa5xPn7YcvkG
rFrCAFv/rV6wx3Q7yDNgv2Ecnl6NZhwGkZ/UvnxjQfEXmiQJb2DYUwIuT0kARGGg
dRRCmVKZckNvtZiu4yjt3VYdZJSSOdJxLjzjSHKKYtyQdWJBkL3s8TMFI5mccuBZ
hNAEWVO9k37Watjb6FfblS40KmjpkIEvZIdq1GTDeT/wv175CdXX20yTaxjGngw+
MZgh5qzWAgfJCge6ZBN1TLeL0Ia0JUHQFpeC4JspXwXr/BwW7Qsi7/Lke6IrAZ9k
0RmNB8iW6XHNyPccZh1Neh0PtcWlAZwWx9N7M8NJIkZQHZGiwj/jWEIvSqpoOr4p
L90QecA9FCN+2UAQay3vNax8sZ1BdMJNAaUwEi9s1iX5QKL2SfM3a/WoCweOrUm8
IJ/vnhKQd2Mc0HxR6MXLh29dEtvuD2DfIWfFddhIgDIcImZ42d6l0mrHNFRMZbHL
JM+A0fLp2S9Bnfs2Qp2K4fkFEyWeEUrA+QtSl+bNIiiVIRwYunojel4EM7f42zH2
DlZ921odaxSGOFtY+/gIT86XHcz6H8In0Gy0Y8DhdzR3tHeq0MtzAS7utDkJ3Hzi
p3JB1+sQN6NDBODWMODtvdNx7wqpaQ6FS94D
=j5Os
-----END PGP MESSAGE-----

Malapit na tayo matapos. Isang bagay na hindi ko ipinakita ay kung paano i decrypt, dahil naniniwala ako na kahit sino ay pwedeng mga decrypt ng mensahe. Una, kopyahin ang encrypted na mensahe.>> Pindutin ang tatlong guhit sa itaas na kaliwang bahagi.>> Pindutin ang Encrypt/Decrypt >> Read from Clipboard >> Boooom! Ikaw ay tapos na!

Salamat sa pagbabasa!


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 171


You Attract What You Are


View Profile
March 19, 2026, 11:46:00 AM
Last edit: March 19, 2026, 12:25:23 PM by fullfitlarry
 #8

New topic: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5199926

Is diversification into different coins really a good advice for Newbies?

Karamihan sa mga bagong artikulo ay nag rerekomenda nito: "Mag-iba iba! Huwag ilagay ang lahat ng itlog sa isang basket! Bumili ng iba't ibang coins para mabawasan ang panganib!".

Sa ngayon, magandang pakinggan to sa unang tingin, ngunit may katotohanan ba ito sa realidad? Tara tingnan natin:

Naaangkop ba ang pagkakaiba-iba para sa mga cryptocurrencies?

At dahil ang payong ito ay tila nanggaling sa merkado ng tradisyunal na pamumuhunan tulad ng stocks, mamahaling metal at iba pa, ang isa ay dapat maintindihan na ang estratehiya ito ay mas maganda sa tradisyunal na merkado. Sa likod ng stocks ay karaniwang mga malalaking kumpanya na pinakita na subok at matatag sa merkado at ang panganib na malaking pagkalugi ay mababa, lalo na kung aasa ka sa nangungunang stock. Kahit ang mga mahahalagang metals na katulad ng ginto at pilak ay hindi nawawalan ng halaga ngayon at bukas, kaya ang pagkakatalo ng malaki ay malabo.

Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!