Bitcoin Forum
January 12, 2026, 12:29:37 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.2 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Do not Delete for Translation  (Read 38 times)
fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Online Online

Activity: 238
Merit: 132


You Attract What You Are


View Profile
January 06, 2026, 01:48:53 AM
Last edit: January 11, 2026, 08:06:58 AM by fullfitlarry
 #1

May Akda: Gazeta_Bitcoin
Orihinal na thread sa English: Libertarians -- where are they now?



Tayong lahat o ang ilan man sa atin ay natatandaan pa na ang Bitcoin ay itinayo base sa ideolohiya ng libertarian at crypto-anarchic. Bagama’t bihirang banggitin ni Satoshi na direkta ang pulitika o libertarianismo, ipinakita naman nya ang diwa ng Bitcoin sa iba’t ibang dalubhasang pamamaraan. Marahil ang pinaka mahusay na halimbawa nito ay ang mensaheng nakatago mismo sa Genesis block:“Chancellor sa bingit ng ikalawang bailout ng mga bangko.” Pagkatapos niyang gawin ang Bitcoin, ang forum naman na to ang ibinigay nya sa atin. Ngunit dati, ito ay naka-host sa ibang website, ngunit ito pa rin ang "forum ni Satoshi".

Maraming mga gumagamit  / indibidwal noon ang naiintindihan ang libertarian at crypto-anarchic na pananaw ng Bitcoin at ito ay buo nilang tinanggap. Marami rin sa kanila ang may pinag-aralan at sanay magbasa ng mga lbro na isinulat ni Ayn Rand o mga kilalang ekonomistang sumusunod sa Austrian School, gaya nina Murray Rothbard, Friedrich August von Hayek, at Ludwig von Mises. (Alam mo ba na maging si Ross Ulbricht ay isang masugid na libertarian ay isang napaka-edukadong tao? Isa sa mga lihim na salitang ginamit niya upang makilala ang sarili niya kapag nakikipag-usap siya bilang DPR ay “Murray Rothbard” — naisip mo ba yon?)

Ako mismo ay nagkaroon ng pagkakataong mahawakan ang obra maestra ni Ayn Rand na Atlas Shrugged, isang libro na may 1,356 na pahina, na itinuturing ng mga Amerikanong mambabasa na pangalawang pinaka-maimpluwensiyang libro, kasunod lamang ang Bibliya.



At ang libro na to ay hindi ko kayang bitawan sa aking kamay hangga't hindi ko ito tapos basahin. Ito ay kahanga-hanga, at ang pinaka importante sa lahat ay hindi ang pagpapakita ng kathang-isip sa loob ng libro, kundi paano mo naintindihan ang pagitan ng mga linya nito..

Matapos kong makita ang forum, dati ay nakakakita ako ng maraming libertarian na usapin na isinulat noong pang mga nakaraang taon, pati na rin ng mga paksang isinulat ng mga anarkista o crypto-anarchists. Marami sa kanila ay interesante, ay gaya ng mga sumusunod:

- Quick guide to becoming a libertarian... -- isinulat noong 2011
- Send all the libertarians to prison and beat it out of them -- isinulat noong 2011
- Libertarianism and externalities -- isinulat noong 2011.

At ang listahan ay magtuloy tuloy pa.

Pero ngayon, halos wala ka nang makikitang mga ganitong paksa tungkol sa mga usaping ito. May nakitang pa akong ilan (at talagang kawili-wili) na nasulat pa noong 2020:

- Murray Rothbard Quotes on Libertarianism, Economics, and Freedom
- Ayn Rand Quotes on Capitalism, Government, Philosophy, and More
- Friedrich A. Hayek Quotes on Socialism, Economics, and More.

At sa tingin ko, ang kakulangan ng mga ganitong paksa / usapin ay isang kawalan, isang kawalan na hindi nararamdaman natin na rekta, pero hindi tuwiran. Ito ay dahil ang Bitcoin ay itinayo sa libertarianismo at crypto-anarchism. Hindi ito mabubuo kung wala ang mga konseptong ito.

Kaya naman, ako’y nagtatanong: Libertarians  -- saan na kayo ngayon? Crypto-anarchists — saan na kayo ngayon? Nasaan na kayo?

Ang Bitcoin ba ngayon ay napapalibutan at sobra sobra ng mga sakim at ang nakikita sa loob nito ay tanging pag yaman lamang? Ang Bitcoin ba natin ay ginagamit ng mga may-ari ng CEX upang punuhin ang kanilang mga bulsa? Wala na ba sa atin ang nakaka-alala ng prinsipyo ng libertarian...?




Pagsasalin (sa pagkakasunod sunod):


Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng:


Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!