Di niya rin kasi talaga masasabi kung anong future ng BTC that time. Imagine mag eeffort ka for a full-concert tas hindi ka mag bebenefit that time which is very reasonable naman and kung sobrang luma na ito, sobrang tagal na 'non, wala pang kasiguraduhan. If ever man na tinanggap niya yon, madami rin siyang pagsubok na haharapin like yung pag-maintain ng wallets at yung temptation na ibenta yung 200k kasi andaming years na din ang nagdaan na sobrang ganda i-sell ang BTC especially 200k BTC yun, sobrang paldo na if ever. Pero ayon nga, ito ay isang what ifs lamang, posibleng di niya makalimutan ito pero it is what it is, kelangan lang mag move-on. Walang makakapag-expect talaga ng mga nangyari ngayon unless nakitaan mo na ng small light around 2017 onwards, dun siguradong hodl ka if ever pero kung mas maaga pa diyan? I doubt, daming pagdadaanan pa niyan.
Sa nabasa ko ang hinihingi lang ay simple online concert and I think di nya need ng magarbong production dyan. Pero gaya na nga nang sinabi mo medyo questionable din naman kasi ang price at kung saan nya ibebenta ang BTC kaya naisapan nya nalang tumanggi at siguro maghanap ng ibang projects.
Naka move on na siguro sya at baka na amaze lang dun sa possible figures na makukuha nya sana kung tinanggap nya lang dati ang offer.
Isa ito sa mga regrets ng mga tao before ng ma encounter nila si Bitcoin nung early days pa nito. Kaya makikita natin talaga dito na yung mga unexpected na mangyayari ay possible pala. Tas yung mga tinanggihan mo dati ay yun pala talaga ang magbibigay ng super laking break sayo.
Pero siguro gaya na din ng sinabi ng iba. Gusto lang makasiguro ng singer na yan na kumita talaga at sa time na iyan di sya na aattract kay Bitcoin at gusto nya tumggap ng rektang fiat. For sure isa yan sa magiging multo nya at maalala nya yung dating offers na sana natanggap nya kung tumaas pa lalo ang price ni Bitcoin.
Di lang siguro mga artist pero iba ding tao na nag offer ng services nila online at di lang na document.
Sa palagay ko din kabayan na hindi lang mga artist meron ding mga service before na naioffer pero since nakukuha lang yung bitcoin sa simpleng mining at faucet kaya hindi talaga kapanipaniwala nun mga time na yun, at kung sigurista ka malamang sa malamang gugustuhin mo ng real fiat ang matanggap mo kumpara sa perang hindi ka sigurado kung magkaka value or anong mangyayari.
Dun naman sa part na magiging multo panigurdo yan kabayan, maa-alala nung mga taong yun na minsan naofferan sila at hindi nila inakalang lilipad ang value ng Bitcoin kaya hanggang panghihinayang na lang ang magagawa nila.
Malamang talaga marami dyang incidents na hindi lang na e documents at base lang dun sa topic na malaki ang nakukuha nilang BTC sa faucets before, ay tiyak madami talagang Bitcoin OG ang may hawak ng maraming Bitcoin noon at either nagamit nila ito sa mga bagay na gusto nila or di kaya naiwala nila ito.
Kagaya ng na e feature nating singer ay baka nanghinayang din sila sa mga dati nilang hawak na Bitcoin lalo na ang taas ng presyo nito ngayon.