
Nakita ko lang habang nagba-browse sa Facebook, may post na “free 50 XRP” daw basta mag-install ka lang ng app nila. Sa current price, around $120-ish din yan, hindi ganun kalaki compared sa ibang “free crypto” posts, pero scam pa rin ito for sure.
For me, red flag agad yung requirement na mag-install ng app, lalo na kung hindi naman galing sa official dev or official store page na verified. The moment na pinapa-download ka ng random APK or app link, possible na may “palaman” yan, like malware, clipboard hijacker (palit address pag nag copy-paste ka), or kahit simpleng account takeover.
Awareness lang, kasi ang dami na talagang bagong style ng crypto scams ngayon. Kung legit yan, bakit kailangan pa ng sketchy install, and bakit hindi na lang dumaan sa official XRP wallet/exchange process? Ingat tayo, wag maging easy target kahit maliit lang yung offer, minsan yan yung pang hook nila.
Kayo, may nakita na ba kayong similar na free XRP/USDT offers? Anong red flags ang napansin nyo, and may kilala ba kayong nabiktima na?