Mainit na usapin ngayon ang pagbagsak ng value ng Rial kontra US dollar , epekto ito ng tuloy tuloy na sanctions na pinataw ng US sa IRAN . maraming mga Iranians sa ngayon ang naghahanap na ng alternatibo na currency na pwedeng magamit at isa na ang bitcoin sa nakikita nilang ibang option . dahil sa lumalalang pagbagsak ng RIAL at pag taas naman ng bilihin sa kanilang bansa .
Sa palagay ninyo mas magiging maayos kaya ang sistema ng kanilang pananalapi kung bitcoin nalang ang gagamitin na pambayad instead na RIAL ?
Hanggang kailan kaya magiging sadsad ang presyo ng RIAL sa international market at makakabawi pa kaya ito?
source:
https://bitcoinmagazine.com/news/irans-rial-collapses-bitcoin-alternativeMay malaking example diyan: El Salvador - noong Sept. 2021, officially naging legal tender nila ang Bitcoin.
Result? Tumaas daw ng 4% ang GDP Growth nila noong late 2025, nag-improve and kanilang credit rating, pati tourism nag-boom, and lastly, may unrealized gains pa sila sa kanilang Bitcoin holdings.
Problema nga 'lang is hanggang ngayon mababa parin ang Bitcoin adoption sa kanila, it is still not widely used even by the general public.
More info here:
https://www.svedbergopen.com/files/1752741747_1_IJCCR202500451300VRZW_(p_1-9).pdfAs for IRAN, if they shift to BTC - Possible naman as long as it is properly managed, maybe they do it in a slow-paced manner, slowly integrating it sa kanilang system and infrastructure, 'wag nila tularan ang El Salvador na aggressive ang move.