May tropa ako na may kaibigan na nabiktima ng pekeng website na ito. Ipinakita sa kanya ang napakalaking “reward” na umabot ng 109,000 USDT ang nakalagay na withdrawable balance or rewards. Kung mapapansin sa unang tingin ay mukhang legit at may dashboard, mining pool, dividends, at withdrawal button. Pero sa totoo sa itsura palang ng site eh halata mo na peke ito.

According sa platform ay hindi pa puwedeng i withdraw ang bonus or yung 109k usdt or halos 6.4million pesos hangga’t hindi siya nagdedeposit at umaabot sa VIP status. Kiniwento lang sakin ito ng kakilala ko sa discord at yung nabiktima ay isang Seaman sa barko. Dahil sa laki ng rewards eh natempt si victim at ayun umabot sa kulang kulang 2million PHP ang natangay sa kanya.

Pagkatapos kasi niyang mag deposit eh, sinubukan na niyang mag withdraw dahil VIP na siya pero biglang hindi na puwede. Sa halip ay may bagong task nanaman which is kulang pa raw, may fee pa, o kailangan pang mag-upgrade ulit or deposits.
Hanggang sa dumating sa punto na wala na siyang ma withdraw kahit piso. Ang “reward” ay numbers lang sa screen. Na halatang sa site lang sinetup.
Ito yung nanakaw sa kanya. Hinighlight ko yung pinaka malaking nadagit sa kanya which is 20k usdt pero madami pa sa baba na naunang nadale sa kanya. Kung makikita ninyo coinsph ang ginamit ng ating kabayan. Makikita din sa etherscan yung address ng nangbiktima. Actually maaari natin yan ireport yung address na yan.

Address ng biktima
0xd50655dfFCc21b0f41eb84B2820937cCc27fAD1B
Red flags ng ganitong scam:- May malaking “withdrawable balance” pero kailangan mo munang magdeposit
- May VIP levels na kailangang abutin bago mag-withdraw
- Paulit-ulit na bagong requirements at fees
- Walang on-chain proof, walang verified smart contract
-Website lang, walang malinaw na team o legal entity
Paalala:Sa totoong crypto at DeFi, hindi ka kailanman sisingilin para ma withdraw ang sarili mong pera. Kapag kailangan mong magbayad para ma unlock ang withdrawal, scam na iyon. Grabe naawa ako kasi seaman yung nabiktima meaning matagal niyang pinagipunan ang pera na yun tapos madadale lang ng ganitong modus.