Naka encounter na ba kayo personally dito sa Pilipinas na unexpected related sa Bitcoin?
Share niyo naman mga kwento niyo about organic encounter experience na kahit ano basta related sa Bitcoin, yung unexpected ha (di inaasahan).
Since dito sa Pilipinas di pa gaano kilala ang Bitcoin, pero for sure baka may naka experience na sa inyo nito.
Ako nung nag uumpiisa pa lang sa Cryptocurrency naka encounter ako sa isang social media community group na umaacept ng Bitcoin as payment for goods sa tagal ko sa community group na yun at sa dami ng members sya lang ang naka encounter ko na nag accept ng Bitcoin sa goods nya and this was 2015.
Hindi na active yung social media acocunt nya siguro yumaman na sya sa pag accumulate ng Bitcoin pero that was the organic Bitcoin encounter napakabihira pa kasi nung panahon na yun sa lugar namin na alam na ang Bitcoin.