Wala akong ideya sa Veem pero siguro every partnership na nagkakaroon galing sa mga local exchanges natin at sa iba pang platforms o companies na nasa abroad ay isang senyales ng magandang balita. Dahil expansion din yan sa mga services na puwedeng mai-offer nila para sa mga pinoy na nasa ibang bansa. Mas maganda din talaga sana kung pagtuunan nalang muna ng pansin ni coins.ph yung mismong serbisyo nila at pagandahin muna yun bago sila sumabak sa iba't ibang partnership para naman maretain yung customer satisfaction na meron sila dati.
Agree ako niyan kabayan dahil marami pa silang unresolves issues. Pero sa tingin ko nakabubuti did ito sa Coins.ph dahil itong partnerships na ginawa nila ay may malaking maitutulong para mapaganda pa ang kanilang serbesyo through their feedbacks. Dahil kung nagkataon na hindi nila baguhin ang serbisyo ay malamang itong ginagawa nilang partinerships ay sila din ang magpapalubog sa kanila.
Naniniwala parin ako na ang Coins.ph ay may ibubuga. Siguro kulang lang talaga ng push or kulang sa determinasyon ang mga staff para gampanan ang kanilang trabaho. Dahil maganda naman ang serbisyo ni Coins.ph sa simula, pero yung nga lang nawala yung consistency.