Maganda sana kung available pa yung image na binebenta nya since maaari itong maging memorabilia as part of Bitcoin history kagaya nalang nung Pizza ni Lazlo na ngayon ay Bitcoin Pizza day.
Broken na yung link na kung saan naka upload yung image kaya impossible na malaman yung image unless may Bitcoin OG dito na nka browse nung image dati.
Sobrang sarap isipan na sobrang dali lang kitain yung 500BTC na ngayon ay kahit sats nlng ay sobrang valuable na.
Yun nga eh dahil tiyak valuable piece ito lalo na sa mga collector. Kaso di na makita kung ano ang inupload nya, tsaka di narin active si OP para makita naman kaya no clue na talaga tungkol dyan.
Palaging na bubump ang thread na ito as a reminder kung gaano kababa pa ang halaga ng Bitcoin then and when you compared the value today.
This is what makes Bitcointalk great, kasi makikita natin kung paano nag evolve ang Bitcoin to what it is today, makikita ng mga latecomer kung ano ba ang ginawa at naging usapan nung mga panahon na iyon, marami ang manghihinayang pero ganon talaga ang kinalabasan kung naroon sana tayo noon at alam natin ang potential.
Last 2023 pa may nag bump nito at parang nakalimutan nadin ng karamihan ang thread na yan.
Mukhang mas nauna pa 'to makipag-exchange ng product to BTC compared doon sa
Pizza order ni Laszlo.
May 2010 kay Laszlo, 'eto January 2010, nauna ng ilang buwan.
Pero tingin ko mas may weight 'yung trade ni Laszlo kasi real world product siya, nahahawakan (at nakakain) mo, compared sa digital wallpaper. Kaya siguro mas well-known 'yun than this one.

Broken na yung link na kung saan naka upload yung image kaya impossible na malaman yung image unless may Bitcoin OG dito na nka browse nung image dati.
Sayang 'nga, as a somewhat newbie digital creator, I'm curious kung anong klaseng wallpaper 'yun. It would have been great kung nai-archive 'yung image.
I tried searching using its filename:
CityGen_demo.png pero wala talaga.
OO nauna pa yan at tingin ko nag test sila na makipag transact gamit ang Bitcoin sa mga panahon na yan.
Ito kay laszlo
https://bitcointalk.org/index.php?topic=137.0 sadyang nakakuha ng pansin lang talaga sa kanya dahil maliban sa sikat din na pagkain ang pizza mas malaki din ang volume na binayad nya.
Nag try din ako maghanap at di lang din ako dinala sa magic eden
https://magiceden.io/ordinals/marketplace/first_btc_jpeg kaso walang pic na lumilitaw.
grabe yan 500 bitcoin kahit pa siguro araw araw ako gumawa nung image, kung pwede lang at maari na time travel babalik ako sa time na iyan pagkatapos gagawa ako ng mga art image tapos sell ko kahit .5 dollars lang 250 bitcoin na iyon, magknu na sa panahon natin yan ngayon, parang nagsisi tuloy ako nung time na nadinig ko ung bitcoin nung ngrurunescape ako deadma lang ginawa ko sayang, pero ganun talaga, ngayon ang mga may value nalang siguro sa mga altcoins hindi na sa bitcoin wala malayo na .xxxx btc nalang un hehe,
Kung may time machine lang no?

Pero ganun pa man isa yang thread na yan sa mga magandang nangyari sa history ni Bitcoin. At kung maging successful pa man si Bitcoin tiyak ang susunod na generation na naman ang magbabasa sa mga naganap na nangyari ngayon at sila naman ang mamangha kung anong pinaggawa natin or sa ibang Bitcoin investor.