Mapapaisip ka nalang din talaga na marami pa rin ang mayroong maling perception towards crypto. Siguro nagiging factor din nito is yung mga news na pag nabanggit ang word na “crypto” ay laging tungkol sa gambling or scams or illegal stuff. Pano ba natin mababago ang ganitong pananaw nila sa crypto?
Actually marami sila dito nga lang sa amin 2 sa sampu lang ang may magandang opinion sa cryptocurrency in general ganun talaga ang perception ng marami sa atin, yung mga mahilig lang mag invest at open sa new technology ang yayakap sa technology na dala ng cryptocurrency.
kung mahihigitan ng good news and bad news tungkol sa cryptocurrency mawawala sa isip nila ang bad image ng cryptocurrency at ang government natin dapat ay may malaking role na magagawa dito.
Halos lahat naman ata tayo dito kung saan man tayo nakatira na lugar dito sa ating bansa ay karamihan na mga kakilala natin ay hindi maganda ang pagkakilala nila sa cryptocurrency, ako nga lang sa mga kakilala ko wala pa atang 1% yung positibo ang ang tingin sa cryptocurrency o bitcoin.
Kaya lang ang ating mainstream media ay sila din ang gumagawa ng dahilan para pumanget ang imahe ng cryptocurrency o bitcoin sa karamihang mga kababayan natin sa totoo lang.
So, siyempre yung majority ng mga mamamayan na walang ibang balitang mapapanuod kundi ang mainstream media lang ay talagang maliligaw sila ng maling pagkakilala sa bagay na ito.
Naranasan ko mismo ito sa personal. May nakilala akong babae sa isang grupo ng magkakaibigang magkakasama, inimbitahan ko siya sa isang date. Sa mismong pagkikita namin, diretsahan kong sinabi ang mga pangunahing pinanggagalingan ng kita ko at ipinahayag ko pa nga nang may konting pagmamalaki na nasa crypto space ako. Pagkatapos noon, hindi na siya muling nag-message sa akin…
Hindi ko naman masasabi na 100% representative ang insidenteng ito, pero para sa akin, medyo nakakagulat talaga. Ang dami kasing stereotypes na nabuo sa paligid ng crypto, at mukhang matagal pa bago tuluyang mawala ang mga ito, kahit pa aktibong mag-educate at mag-debunk ng mga maling paniniwala.