Hindi ako nagulat na nasabi ng girl yan kasi may reference siya sa mga friends niya ba yun o ibang relatives na natalo daw. Kaya yun yung natural na reaction niya dahil baka nga naman maging sugal lang ang maging source of income ng magiging partner niya. Pero sa kabilang banda, hindi kasi niya alam kung ano talaga ang crypto at nagbase lang siya sa mga nangyari sa mga totoong sugarol at nag invest lang ng walang matibay na kaalaman sa crypto. At baka sa mga ponzi schemes lang nag invest yung mga kakilala niya kaya natalo at feeling niya sugal.
Kelangan talaga maexperiencec din nila kaso ang problem dahil sa may kakilala siya nagkandaletseletse sa crypto kaya ganun nalang ang tingin niya dito na hindi naman natin masisi, kaya dapat din magkaroon, or maunawaan nila kung bakit iyon nangyare, kapag talaga nakita agad nila ung mali , at maling resulta hanggang dulo mali na at mahirap itama, lalo na babae iyan naku napakahirap esplikahin, pero napaliwanag naman ng malinaw nung guy, kaya dapat magets din niya or mabago ung pananaw niya ukol dito, which is medyo mahirap din maintindihan if salita lang.