Siguro may ilan ilan sa tin na kilala is Jeffrey Epstein, nahatulan siya bilang isang sex offender, isa syang ma impluwensyang tao. Sa mga hindi nakakakila sa kanya maaring bisitahin nyo ang Wiki na to,
1.Ngayon, nitong nakaraang araw, maraming naglabasan na publiko ng kanyang mga dokumento na kung saan di umano sya ay nakipag ugnayan sa mga naunang tao sa Bitcoin lalo na sa pagsisimula pa laman nito. Katulad na lamang ni
Jeffrey Epstein Invested in Bitcoin Firm Blockstream, Invited Founder Adam Back to Island.
At kay Brian Armstrong ng Coinbase:
https://x.com/PixelsParadox/status/2018084725802307972Kaya ngayon, parang hati ang community pag dating sa issue na to. May nagsasabi na hindi nila nagustuhan ang ganitong pagsali nitong is Epstein sa mga prominenteng tao sa Bitcoin at crypto. At ganun din kina Back at Armstrong sa pagtanggap ng pera galing sa isang sex offender.
At siguro ito ang dahilan kung bakit ang presyo ngayon ng Bitcoin ay biglang pagbaba sa $75k.
Sakin tingin ko parang FUD lang talaga to para sirain ang market sa ngayon. Kasi hindi naman siguro alam ng dalawa na nung panahon na yun eh sex offender tong si Epstein. Kailangan lang talaga ng funding kaya tinanggap nila ang pera.
Meron din FUD na marami daw Bitcoin si Epstein pero sa ngayon wala naman napatunayan at ito at haka-haka lamang.
Kayo ba na dismaya ba kayo? Kahit nag donate sya sa MIT Digital Currency Initiative, na kung saan ay pinondohan ang Bitcoin developers?
Sa aking panananaw, ang Bitcoin ay neutral lamang. At sigurado ako na hindi nya na impluwensyahan ang Bitcoin developer.