Kabayan, Nabigla ako sa mga balita na aking nabasa sa social media tulad na lamang netong nagbenta daw si Satoshi ng kanyang Bitcoin, madami akong mga post na nakita related dito kaya nagresearch ako agad kung totoo nga ba ito, dahil noong tinignan ko ang market bagsak ang market at pati na rin ang mga blue chips na altcoins ay bagsak na din. Pero noong tinignan ko online wala naman akong nakita at sinubukan ko pa iresearch sa blockchain kung totoo nga ba ito pero mukang fake news lang ito.
Google Search
Patuloy pa rin ang pagbagsak ng presyo sa market, sa tingin ko isa rin ito sa paraan para maraming mga trader at mga investor ang matakot na maginvest ngayon sa market. Kahit ganoon ano nga ba talaga ang mangyayare kung sakaling magkatotoo itong magbenta ng Bitcoin itong si Satoshi babagsak ba ang market naten? o tataas? dahil malaking balita ito ibig sabihin ay buhay pa itong si Satoshi at nagtatago lamang.
Mas mabuti na wag kang maniniwala agad kapag may nabasa kang ganito, mas mainam mag saliksik para di mabiktima ng fake news.
Dahil parang impossible na atang gagalaw yang hawak na Bitcoins ni Satoshi dahil nga hanggang ngayon ay di parin sya mahagilap at parang hindi na ata magpaparamdam pa.
Madaming manipulators ang gagamit ng kahit anong balita para lang makapag spread ng fear kaya mainam talaga na mag research para malaman natin ang tunay na nangyari.
Sa tingin ko ang main reason ng kasalukuyang dump ngayon ay ang macro economic pressure na nangyayari sa US at sa ibang bansa.