David Chaum: Ang Ama ng Digital Cash at Privacy sa Internet
Talaan ng Nilalaman
PanimulaBago pa man sumapit ang dekadang 90, ang konsepto ng "digital cash" o ang elektronikong pera ay hindi pa nabubuo. Kahit ang privacy at hindi rin pinag-uusapan pa. Ngunit si David Chaum ay isa sa mga naglatag ng pundasyon na ito.
At kung si Satoshi ang nagpakilala sa Bitcoin at unang matagumpay na decentralized digital currency, si David Chaum naman ang nagsulong na mga ideya at teknolohiya na naging inspirasyon at naging pundasyon ng konseptong ito.
Sino si David Chaum?Si David Lee Chaum ay ipina-nganak noong 1955. Sya ay nag-aral at nag tapos ng nagtapos ng PhD sa Computer Science sa University of California, Berkeley. Ang pangunahin nyang pilosopiya ay tungkol sa privacy, at paano to proteksyuhan sa digital na mundo gamit ang mga cryptographic tools. At nung panahon na yun, itong ideya na to at kinokonsedera na isang radical.
At Noong 1982, inilabas nya ang napakahalagang research paper sa Journal na Advances in Cryptology na pinamagatang:
“Blind Signatures for Untraceable Payments”Ito ang papel na naglatag ng pundasyon para sa konsepto ng anonymous digital payments. Biruin nyo, itong konsepto na to ay talagang una sa panahon. Ang nang sumunod na taon, itinatag naman nya ang
DigiCash noong 1989, ang unang kompanya na nag "pioneer" ng blind signatures. Upang payagan o gumawa ng secure at anonymous na transaksyon gamit ang cryptography at masasabi natin na isa tong pasimula sa mga modernong cryptocurencies katulad ng Bitcoin.
Ano ang Blind Signature at Bakit Ito Mahalaga?Ang
Blind Signature ang isa sa pinakamahalagang ambag ni Chaum sa mundo ng cryptography.
Paano gumagana ito:
- Ang isang user ay bulag sa kanyang mensahe dahil ito ang gumagamit ng random factor. At dahil dito hindi alam ng pumipirma kung ano ang kanyang pinipirmahan
- At ito ang nagiging anonymous
- Pinahusay na seguridad para sa mga gumagamit sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga naka-secure na susi, na pumipigil sa mga third party na makakuha ng personal na impormasyon sa mga transaksyong online.
Ito ang pundasyon ng ideya ng
untraceable digital cash.
Ang kung ihahambing sa fiat o physical na pera, kapag nagbayad tayo ng cash, hindi ka makikilala at walang alam kung sino ka. Ito ang konsepto na gusto ni Chaum na mangyari noong panahon na yon.
At kung susuriin mo nga to, makikita natin to sa mga prinsipsyo ng mga privacy coins o maging sa pilosopiya ng Bitcoin.
Ang Pagkakatatag ng DigiCash at eCashAng DigiCash ay itinayo ni Chaum noong 1989 sa Netherlands. At dito nga nya ipinakilala ang
eCash, ang kauna-unahang digital currency na gumamit ng cryptography para sa anonymous payments. At may mga ilan mga banko sa Europa ang sumubok dito at totoo naman na gumagana ito kaya lamang, may isang problema, ito ay centralized. Ang mga banko na to ay kinakailan parin para mag issue ng eCash. At kaya sa huli ay hindi nagtagal ang sinarado ni Chaum ang DigiCash noong 1998. Pero ang konsepto na ay nabuo ngunit ito ay napaka aga para sa panahon na iyon.
Chaum at ang Konsepto ng Online PrivacySi David Chaum ay maituturing natin na visionary, kasi kahit nung 1980-1990's eh alam na nya ang mangyayari o nakikita nya na magiging problema at isyu at tungkol sa data privacy, surveillance, at tracking sa internet at lubha syang nababahala.
At fast forward sa panahon ngayon, malalaman natin na tama siya dahil halos lahat ng kumpanya ngayon, ay nangongolekta ng data ng mga tao. At marami na tayong narinig kung paano ginagamit ng mga kumpanyang ito ang ating mga data sa hindi magandang paraan. Pwede nilang ibenta to, o kaya pag na hack sila, tangay at nakaw lahat ang data natin.
Impluwensya ni Chaum sa Bitcoin at CryptocurrenciesKung titingnan natin, pwede nating magsabi na walang direktang ebidensya na nag usap is Satoshi at si Chaum. Pero makikita natin ang malaking impluwensya sa Bitcoin at mga ideya at konsepto ni Chaum. Masasabi natin na ang eCash at Bitcoin ay parehong gumagamit ng cryptographic signatures, at pag papahalaga sa privacy.
Ang malaking pagkakaiba lamang ay ang Bitcoin ni Satoshi at
decentralized at meron itong blockchain at pag-mimina.
Bakit Hindi Nagtagumpay ang DigiCash Noon?Maraming dahilan kung bakit nabigo ang DigiCash? At isa sa mga dahilan nga at dahil masyado pa talagang maaga ang konsepto nya nung pahanon na yon. Hindi pa ganun ka abante ang Internet, wala pang online payments para gamitin ang sistema nya. At ang modelo nya as centralized at hindi pa natin lubos na iintindihan ng mga tao ang tungkol sa privacy. Kung baga, mali ang ang timing ni Chaum.
Ang Legacy ni David Chaum sa Modernong PanahonSya ngayon ang kinikilalang
“The Godfather of Digital Cash”. Maraming mga cryptographers at Bitcoin developers at sinasabing isa sa inspirasyon nila si David Chaum. At katulad ng sinabi ko, visionary sya at ngayon panahon pa lamang natin lubusan naiintindihan ang kanyang mga ideya at konsepto sa cryptocurrencies at privacy tools.
KonklusyonAng mga ideya at konsepto ni David Chaum tungkol sa cryptographic trust, blind signatures, at digital cash ay naging parte ng tinatatawag na "cyberpunk" movement noong dekada 80's-90's. Tinuturing na malawaking impluwensya si Chaum lalo na ang pag-iisip ng trustless systems at hindi natin makakailawa ang kanyang mga obra at sa kanya nagsimula ang lahat kung baging naisip ni Satoshi na gawin ang Bitcoin.
Sources at Links