 |
February 10, 2026, 10:10:30 PM |
|
Yamang nasa pag-aaral palang ako dito sa crypto world ay sa ngayon ay inaalam ko ang mga basic na dapat tandaan kung papasok tayo sa crypto trading, at isa sa mga nakita ko na dapat tandaan at hindi dapat binabalewala ng mga nagsisimula palang sa industry na ito ay ang,
1. Only use money you can afford to lose = dahil ang crypto ay very high risk, dahil kung kailangan mo pang mangutang para lang makapagtrade ka ay huwag mong gawin, kung last money mo na yan ay huwag din.
2. Start small = siyempre ang dapat na maging goal natin its either sa first week o first month ay ang consistency, and rule following.
3. Before we deposit, be aware of your risk as a trader = hindi dapat ito kinakalimutan at huwag lang iisipin yung kita na makukuha dito.
4. Do not copy random signals = dito madami akong nakikita at napapanuod partilkular sa youtube at facebook, dahil kung follower ka lang ng mga random entry, walang learning, walang system yan panigurado.
Ilan lang po ito sa aking nalaman at natuklasan sang-ayon sa aking pag-aaral na ginagawa sa loob din ng ilang weeks na pagbabasa ko dito at maging sa pagtatanung sa mga ai apps tungkol sa cryptocurrency, bitcoin at trading. Sana po kahit sa simpleng paalala na ito ay makatulong sa mga kapwa ko din na nag-aaral pa dito sa cryptocurrency business.
|