...ang crypto ay tiyak na mapanganib at pabagu-bago, walang garantiya ng panalo rito. Sa aking opinyon, maaari mong gawing bahagi ng iyong plano sa pamumuhunan ang Bitcoin o anumang mahusay na coin. Bukod sa naimpok sa bangko, mas mahalagang magkaroon ng iba-ibang plano na may kasamang kaunting crypto at iba pang mga negosyo. Ang trabaho ng isang tunay na bihasang manlalaro ay magkaroon ng kombinasyon ng seguridad at potensyal na paglago sa halip na umasa lang sa iisang opsyon.
Ganun pa man, marami pa rin ang pumili na maglagay ng pera sa bangko kaysa mag-invest sa Bitcoin (or crypto). Kunti lang ang na-take risk at yun lang may malawak na kaalaman about cryptocurrency. Marami pa rin ang hindi convinced sa pagiging profitable nito.
Kahit aabot pa tayo ng ilang dekada ulit, kung meron mang madagdag sa datos ng crypto investors, sa palagay, kaunti lang din. Hindi lang ito dahil sa sitwasyon ng ekonomiya natin kundi sa tiwala sa sarili at kakayahan nito. Hangga't mananatiling volatile ang presyo ng crypto sa merkado, mananatili ring magulo ang desisyon ng mga nagbabalak nito. Kahit sabihin nating worth-it, pero sa tingin ng iba isa lang itong pagsasayang ng pera.