Hello po sa inyo ulit, base po sa aking mga nababasa dito sa forum at mga napapanuod rin sa mga video somewhere in youtube platform ay nagkaroon po ako ng idea na alam ko naman na alam niyo rin na ang pangunahing source of income dito sa industriyang ito ay ang trading, kung kaya naman ito ang pangunahing inaaral ko sa ilang buwan narin since last year ko ng inaalam talaga yung mga bagay-bagay tungkol sa trading.
Hindi naman siguro masama na kahit newbie palang akong maituturing dito pwede naman siguro akong magbigay ng tip o paalala sa ibang mga newbie din na kagaya ko na pumasok dito sa mundo ng cryptocurrency lalo na dito sa forum na ito. Pwede naman po yun diba?
Sa isang beginner lahat gusto matutunan lahat di po ba? tulad ng mga katanungan na ano ba yang moving average? ano ba yang trendline? or kung minsan sinasabi rin siguro ng ilan na alam ko yang bolinger band, Fibo, at iba pang mga indicator tools na ginagamit sa actual trade. Ang lahat ng ito ay gustong matutunan ng mga newbie ang mga indicators in just a week lang, Pero ang maipapayo ko sa kanila(Beginners) though neophyte din naman ako, kaya sa sobrang dami ng mga indicators sa trading ay hindi naman po yun lahat magagamit natin sa actual trade, diba?
Kaya ang payo ko ay Mangarap tayo ng indicators na nalalapat sa ating personality at pangangailangan natin. Ito ang pinaka-importante, kasi tulad ng nabanggit ko ay ang daming mga tools pero hindi naman nagagamit, parang pansit malabon na hindi natin maintindihan yung direksyon.
Let's be simple to be clear, magkakaroon tayo ng clarity. Kaya itong aking natutunan sa aking pag-aaral at pananaliksik narin ay ito yung nasimulan ko actually recently lang, at siyempre small amount lang muna yung pinasok ko sa isang exchange, at by that time hinahanap ko pa kung ano yung indicators na tutugma sa aking panlasa na magiging profitable ako, and I think malawak na bungkalan pa ito ng lupa bago ko makita yung tunay na ginto. Kayo, ano sa palagay nio na pwedeng maidagdag dito? Tama po ba yung idea na aking nadiskubre?
Mga halimbawang indicators na ginagamit sa trading,
https://www.ig.com/en/trading-strategies/10-trading-indicators-every-trader-should-know-190604