Sa aking pagkaka-intindi, iba't iba ang mga namumuhuan sa Bitcoin (Bitcoin investors). Siguro marahil and hindi rin pagkaka pareho ang tingin ng mga namumuhunan dito. May mga taong na ang tingin ay magpatagalan o tinatawag nating "Long term Holder". Heto yung may malawak na disiplina sa pagbili at ang paraan nilang kumita ng malaki ay bumili ng bumili sa loob ng mahaba o maraming taon.
Meron din naman na narinig ang Bitcoin at bumili dahil sa "hype" nito. At meron yung paraan ng pagkita nila ay yung mga trader, na bumili para kumita ng mabilisan o sa tingin yung parang "fast flip" lang, bili ng X amount at pag tumaas ang Bitcoin ay ibenta to ng Y amount.
Iba iba talaga, may mga dahilan at hindi lamang nakabatay sa kung gaanong kalaki ang puhunan mo, kundi sa mithiin o dahilan, at paraang kung paano gagamitin ang volatility nito para kumita ka.
Ngayon tingan natin at pwede nating sabihin kong saan tayo dito:
1. Humahawak ng Matagalan (Long Term Holders) - HODL[1]Ito yung uri ng namumuhuhan na bumibili at hindi binebenta sa loob ng mahabang panahon. And hindi rin mahalaga kung paano sila bumibili, kung ito man at isang bagsakan o gamit ang tinatawag na DCA method. At ang mindset ng mga to ay iba, Hahawakan nila ito kahit anong mangyari sa presyo.
At sa ilalim nito, may paraan tayong tinatawag na
DCA (Dollar-Cost Averages). Ito naman ay bumili ng Bitcoin sa regular na skedyul. Halimbawa eh lingguhan o kaya kada buwan. Ang maganda sa DCA at walang emosyon na kasama dito, at yung volatility ay parang bale wala o nababawasan ang epekto nito sa mga bumibili.
2. Mga arawang mangangalakal (Short-Day Traders)Ito siguro yung karamihan sa atin, bumibili tayo hindi para hawakan ng matagal, kundi sandali lamang. Meron sa isang araw lamang, at pagkatapos ay ibebenta para kumita lamang ng hindi kalakihan. Ang gusto lang nila ay kumita agad depende sa pagbabago ng market. Pero sa kin, hindi ito madaling gawin. Kailangan mo ring aralin muna yung tinatawag na technical indicators (TA) dahil dito mo masasabi kung dapat mo nang ibenta ang Bitcoin mo base sa mga makikita mo sa mga graphs. Ang tawag din sa mga to ay day-traders. At sa tingin ko, pwede ka kumita dito pero hindi ito para sa lahat dahil sa oras na gugugulin mo sa pag bantay ng charts. Pero may mga trading BOT din naman na pwedeng tumulong sayo. Pero ganun parin, ikaw ang mag set ng mga parameters at heto lamang ay magagawa mo kung may experience ka na talaga.
3. Mga institusyonal na mamumuhunan (Institutional Investors)*At siguro kilala natin si Michael Saylor at ang kanyang kompanya dahil parang sya na nag poster child ng pagbili ng maraming Bitcoin.
Heto naman yung malalaking kompanya sa buong mundo na bumibili ng Bitcoin at nilalagay sa balance sheet nila. Narito ang mga listahan ng mga malalaking kompanya. Ang mga ito ay kundi related sa crypto katulad ng mining companies, o crypto investment katulad ng hedge funds, ETF funds, o kaya asset management groups, o kaya isang malaking kompanya na gustong subukan ang pag invest sa Bitcoin.
4. Baguhan o yung bumibili dahil sa FOMO (Beginners or FOMO Buyers)Ang mga ito naman, bumibili dahil tumaas ang presyo. Siguro parang lessons learn din to sa mga baguhan. Pwedeng sa umpisa ay mali ang dahilan ng pagbili natin. Pero habang tumatagal, natututo na tayo at nagiging tumitibay. Maaring and iba sa tin ay dumaan sa ganitong experience.
5. Balyena (Whales)Ang klase naman ng namumuhunan at bumibili ng maraming Bitcoin para i-hold din. Pwede rin nating i konsidera ang mga malalaking kompanya. Pero para sa kin, tong mga whales na to ay indibidual lamang at walang ka ugnayan sa mga kompanya na to. Maari ay mga nga taong na tinatawag nating early investors at hindi basta basta nagbebenta. Pero may mga ilan ilan din naman na na nagbenta katulad ng balitang ito:
At ang term na to ang kinuha sa mga malalakas magsugal o yung Whales nga.
6. Bitcoin maximalist o bumibili dahil sa teknolohiya (Maximalists or Tech-Driven Investors)Bumibili dahil naniniwala hindi lang sa presyo kundi ang Bitcoin lamang ang nag-iisang crypto sa kanila dahil sa teknolohiya nito at sa mga prinsipyo sa likod ng gawa ni Satoshi. At sa totoo naman, karamihan sa tin ay nasa Bitcoin. Tingnan na lang natin ang market dominance nito, napataas parin kahit nasa bear market na tayo.
Sources at Links: