Mga kabayan trending na agad online ang balitang ito na makakapagtrade na ng Crypto sa X. Ayon dito sa mga articles ay sa mga susunod na linggo lamang o dalawang buwan ay maaaring ilaunch na ito. May nababasa rin ako na magkakaroon ng trading ng stocks pati na rin ang cryptocurrency. Ayon sa ibang mga articles ay isa itong everything app. May sinasabi rin sila tungkol sa Smart Cashtags na gagamitin para
makapagtrade ng stock at Crypto na directa na mismo sa X application. Alam naman natin na ang X ay isa sa mga ginagamit ng mga blockchain projects pagdating sa paglaunch ng kanilang mga projects posibleng makatulong ang bagong feature na ito sa mga project kung direkta na ang sa platform mismo mangyayare ang mga transaksyon.
LinkLinkAnong masasabi ninyo dito? Game Changer nga ba ito? o magiging dagdag wallet nanaman mga kabayan? Custodial ba o non custodial?