Bitcoin Forum
February 22, 2026, 09:40:21 AM *
News: Community awards 2025
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Kumpara ng number of posts at merits nitong 2024 at 2025  (Read 29 times)
coinrifft (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 126
Merit: 79


View Profile
February 18, 2026, 12:42:15 AM
Merited by DdmrDdmr (2), cryptoaddictchie (1), Mr. Magkaisa (1), TypoTonic (1)
 #1

Kinuha ko ang monthly posts natin nung 2024 at kinumpara ko sa taong 2025 para makita kung meron bang pangbabago sa posting habit ng Filipino community natin. Wala pa ako nung panahon na yun kaya ako ay naging curious kung anong klaseng aktibitades meron tayo noon.

Monthly Posts: 2024 vs 2025


  • Ang total number of posts noong 2025 ay: 8376. Samantalang ang 2024 naman ay: 7528. Ang difference ay: 848 posts.
  • Ang unang limang buwan noong 2024 ay mas maraming aktibo at nag posts kumpara sa 2025.
  • Biglang tumaas ang naging aktibo naman sa huling pitong buwan noong 2025 mula Hunyo-December. Marahil dahil nagkaroon na tayo ng merit source.

You are now a merit source.
Hello guys official Merit Source na ko, nagulat ako sa dm ni theymos kanina since kakabasa ko lang. Ofcourse masaya ko dahil naapprove na ang application ko.

Maraming salamat sa inyo na sumuporta sakin. Now gagawin ko lahat ng aking makakaya para bumalik ang sigla ng mga pinoy dito sa local section natin. I am an openbook user so rest assured all your suggestions or anything na marerecomend are all goods.

Actually antok pa ko dahil panggabi talaga ako sa work, pero di ako makatulog dahil sobrang saya ko. So ako ito, pagaaralan ko pa pano siya nagwork ung replenish and etc it will take few days for me to get used to this new responsibility. I wont abuse it so dont try to bribe me for any merits since I will give it freely to all quality post out there.

Dropping to share this news to all of you. Mabuhay tayo mga Kabayan.

  • Makikita nyo rin ang difference sa bilang ng mga post bawat buwan sa graph.
  • Hindi ko lang alam ang dahilan bakit mababa ang unang limang buwan ng 2025 kumpara sa 2024. Baka meron nakakalaalam o nakakatanda or rason na parang walang gana mag post dito ang iba nating kababayan. May mga campaign ba nung panahon na yan na hindi bilang ang local posts?




Merits: 2024 vs 2025


  • Total na bilang ng merits noong 2024: 859. At noong 2025: 1488. Ang laki ng itinaas ng merits natin noong 2025.
  • Ang distribution naman ng merits ay halos on a average sa unang limang buwan.
  • Ang pinakamataas na buwan na maraming merits noong 2024 ay October na may 131 merits. Sumunod ang September na may 119 merits at January na may 118 merits.
  • Ang pinakamataas na buwan na maraming merits noong 2025 ay October na may 221 merits. Sumunod ang August na may 204 merits at September na may 194 merits.
  • Ang pinakamababa na buwan na konti lang ang merits noong 2024 ay August na may 29 merits lamang. Sumunod ang April na may 35 merits at July na may 46 merits.
  • Ang pinakamababa na buwan na konti lang ang merits noong 2025 ay January na may 37 merits lamang. Sumunod ang April na may 49 merits at May na may 50 merits.




Kung susumahin naman, healthy naman ang Pilipinas board at kung ikukumpara natin sa ibang local boards pagdating sa amount of posts. at nasa gitna tayo. Pero kung pagdating sa merits at merit distribution, dito tayo medyo kulelat kumpara sa ibang local boards. Kung sa akin lang maganda kung meron pa tayong isang merit source (pero sa ibang diskusyon na to at tiyak pinag-usapan na to dati pa) para ma enganyo pa ang iba na mag post at gumawa ng kawili wiling threads. At talagang kailangan natin maging aktibo itong 2026 para mapanatili nating buhay talaga ang lokal boards ng mga Pilipino. Siyempre kailangan din natin mag tulungan sa isa't isa pagdating sa pag ikot at pag bigay ng merits sa ating kapwa dito sa local boards. At nasa atin talaga kung paano natin mapanatiling masigla ang malusog ito.

Patuloy parin ba kayong magiging aktibo sa lokal boards natin?




Reference:

Inspirasyon:
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!