Mga kabayan isang bagong pamamaraan nanaman ng mga hackers at scammers para makahack sila ng mga investors. Ito ang paggamit ng isang fake na sulat upang maging isang phishing. Papadalahan ka ng isang fake na sulat at doon makikita mo ang mga detalye kung saan mayroon itong QR code at kapag iniscan mo ay mapupunta ka sa isang phishing website kung saan maaari kang mahack or makuha ang laman ng iyong crypto wallet or para makuha ang iyong seed phrase.
Isa sa mga napansin ko ay mayroong posibilidad na may leak ang mga impormasyon ng Trezor/Ledger dahil alam ng mga Hacker/Scammers kung sino ang kanilang mga biktima at pinapadalahan ng ganitong klaseng sulat, or maaari din na isa itong inside job. Mayroon rin akong nababasa na mayroong mga ganitong klaseng pamamaraan na rin na nangyayare dati ngunit ngayon ko lang nakita or nalaman ito at sa tingin ko maraming mga investors ang posibleng mabiktima neto.
https://x.com/Cointelegraph/status/2023457537941549057/photo/1Nakita ko lamang ito sa social media, Binabahagi ko lamang itong pamamaraan para tayo ay maging aware sa mga ganitong bagong paraan ng mga hackers at scammers, dahil kung tayo ay aware ay mababa ang posibilidad na tayo ay mabiktima neto.
May thread na ginawa si @coinrift sa global section narito
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5574540.msg66410232#msg66410232Sa nangyaring yan I think kalat parin ang mga nag leak na data's sa mga costumers before at dapat talaga making mapag matyag at ugaliing e verify muna kung ano ang kanilang natanggap dahil napaka creative na ng mga scammer na yan at susubukan talaga nilang gawing magmukhang legit ang mga action na ginawa nila at para may mabiktima sila.
Wala akong nakikitang number of users at amount na affected sa issueng ito at siguro kunti lang ang nabiktima dahil siguro naging mas mapanuri na ang mga tao.