---
Binalik ng "hacker/s" ang Bitcoin, siguradod natakot sya na hindi nya rin magagamit to dahil naka sunod ang awtoridad sa kanya at bawat galaw at tiyak hindi sya palalamapasin nito. Hindi ko alam kung ito ang pinaka unang balitang narinig natin na nagbalik ang hacker sa ninakaw nyang Bitcoin.
Pero posible parin pala na nag dalawang isip na sya. So happy ending sa government ng South Korea

.
Ito rin yung nakakatakot bilang hacker. Isang pagkakamali mo lang at pwede ka na nilang matrack hanggang hindi mo binabalik yung mga perang nahack mo. Mas malala pa ito dahil sa government ang Bitcoins na nakuha niya, at alam naman natin na may kakayahan silang itrack kung sino man yung nanghack sa Bitcoin na yun.
Di rin naman nating pwedeng masabi na white-hat hacker yung gumawa nito dahil nakuha niya ito through phishing at hindi dahil may vulnerability sa system ng government. Anyhow, maganda na rin na ibinalik niya yung kabuuang Bitcoin na kinuha niya dahil mas mahihirapan rin siyang mamuhay ng payapa dahil hindi siya titigilan ng gobyerno. Para naman sa hacker, panigurado gagawin niya ulit ito pero sa ibang paraan lang. I mean nagawa nga niya sa government di ba?

Mejo nakakapagtaka nga rin or macucurious ka kung paano nila natunton yung hacker. Panigurado may isang mali yun at enough yun para matrace ito ng government. Yun eh kung totoong nakasunod nga sila at hindi ito isang bluff lamang.