Sa El Salvador mukang fully integrated talaga ang Bitcoin sa kanila, since supported ng government nila ang Bitcoin kaya malamang talaga halos lahat ng stores sa bansa nila is tumatanggap siguro ng bitcoin kaya walang kahirap hirap magkaroon ng transactions, ang galing kase kahit bata hindi man lang nahirapan magtransact meaning sobrang easy ng mga transactions sa kanila pagdating sa Bitcoin. Kung ganyan din sana sa bansa naten hindi tayo mahihirapan maginvest sa Bitcoin dahil alam naten magagamit naten yung Bitcoin kahit sa mga daily transactions naten, pero parang baliktad yung nangyayare sa bansa, Binance tinaggal pa sa Google play store lalong pinapahirapan tayo, madalas pera pera talaga ang nangyayare.
Tama kabayan supported talaga ng government nila ang Bitcoin, kaya hindi nahihirapan mag adapt ang mga merchants dun. Tsaka may Bitcoin education din sila kaya sobrang dali na sa kanila ang mag transact gamit ang Bitcoin, Kita mo nga sa video na sobrang dali at kahit bata ay pwedeng pwede na gumamit ng Bitcoin.
Anong wallet kaya yung ginamit nila kabayan? Kasi ang bilis ng transactions nila. May custodial wallet ba sila na ginagamit mismo doon?
Meron silang Chivo wallet na ni launch ng government nila at halos lahat ng mamayan nila ay yun ang gamit.
I think hindi naman siguro nag kulang ang gobyerno totally kasi ni recognize naman nila ito. Siguro sa awareness lang talaga tayo nag kulang.
Dito sa bansa natin, karamihan ng merchants ay hindi pa familiar o takot sa volatility ng Bitcoin. Yung iba naman, iniisip na complicated gamitin kahit sa totoo lang mas mabilis pa minsan kaysa traditional payments. Dagdag pa yung lack of education at hindi pa ganun kalinaw ang regulations, kaya hesitant sila.
Yung mga bata nga nakakapag transact using Bitcoin, so ibig sabihin kaya din natin mag adopt ng ganyan. But then again, marami lang talaga ang takot, lalo na mga merchants.
Naniniwala parin ako na darating din tayo sa panahon na marami na ang aware sa Bitcoin at marami ba rin ang tumatanggap dito as means of payments for service and goods. Sa ngayon, medyo malabo pa tayo sa mga ganyang situations.
Tingin ko kulang parin at makikita natin sa approach na ginagawa nila, sobrang late nila mag adapt and instead of palawakin ang crypto at papasukin ang mga big players gaya ng malalaking exchange ngayon ay pilit nila itong blinock.
Tsaka wala tayong ibang magandang balita na nakita na ginawa ng government natin ngayon para maging mas maayos ang paggamit natin ng Bitcoin. Puro pass bill lang sila pero walang lumulusot kaya ayon tengga ang developments.
Gusto nyo ba din na mangyari din ito sa bansa natin?
To a small extent, nangyari na ito dati
[e.g., sa pamamagitan ng Pouch app sa Boracay (AKA Bitcoin island)], kaya lang mukhang hindi naging successful masyado at last time I checked, nagkaroon pa ng regulatory issues
[unfortunately].
- Personally, gusto kong mangyari ito sa buong bansa natin, pero only if tama ang implementation nila (e.g., minimal involvement from our government).Dun lang talaga yun sa island na nagkaroon ng expirement na ganun pero di ata naging successful since di naging full ang adoption na nangyari. Pero maganda parin dahil may mga entities ang nag try nito.
Maganda sana kung maging mas successful pa sila at kumalat yung ganung sistema kahit saang parte sa pinas. O di kaya yung Mcdo at other big merchants sa bansa natin ay tumanggap narin nito.