Kung hindi tayo into crypto, maganda itong Maribank na pag-park'an ng pera natin. Triny kong cinompute ang inflation rate ng PH within the last 7 years, at ang average ay nasa around 3.63% meaning kung ilalagay mo ang 1M mo sa Maribank at i-hohold mo for 1 year, chances ay hindi ka kikita dahil kakainin lang ng inflation ang pera mo. Yes, tumaas siya amount-wise, pero hindi mo ito mararamdaman dahil sa inflation. Kumbaga, breakeven ka lang after 1 year. Subjected to withholding tax pa so mababawasan pa yung interest na kikitain mo so in the end, talo ka pa.
Lahat ng tao dito ay into crypto, at panigurado kung tatanungin natin yung mga tao dito, mas pipiliin pa nila na ilagay ito sa mga DeFi platforms or kahit sa exchange na lang mismo through stablecoins. Mas malaki ang APY, alam kong mas risky, pero mas rewarding pa rin at the end of the day. May knowledge naman tayo siguro pagdating sa Staking ng Stablecoins at DeFi so makakatulong yun sa paghahanap ng mas magandang platform na paglalagyan natin ng pera. Hindi ko dinidisregard ang Maribank or kahit anong mga digital banks jan pero kung into crypto ka, mas pipiliin mo pa rin ilagay yung pera mo sa mga platforms na kaya kang bigyan ng mas malaking yield sa loob ng isang taon or dalawang taon.
Okay pa rin ang Maribank para sa akin, pero kung may 1M ako, di ko ilalagay ng buo dito at mas prefer ko pang i-portion ito, ilagay ang iba sa mga legit DeFi platforms, at ang iba ay sa exchanges na nagbibigay ng mas mataas na yield. Yes, may risk lalo na sa mga exchanges, pero para sa akin, willing naman akong i-risk rin yung pera na yun. Malaki ang 1M yes kaya siguro malaking portion nun ay ilalagay ko na lang as emergency funds or pwede ko ring ilagay sa mga digital banks din dahil gaya ng sinabi mo, walang lock-in period at liquid naman for sure at mabilis namang maiwiwithdraw pag nagkaproblema. Own opinion lang.
