Iba’t Ibang Klase ng Bitcoin Address
Talaan ng Nilalaman
PanimulaAng Bitcoin address ay pwede nating ikumpara na parang account natin sa banko. Ang malaking pagkakaiba ay ang Bitcoin address ay walang pangalan naka kabit dito. Ang mula nung simula ay nagbago na rin ang mga ito, naging mas mura ang fee at secure at private narin. Pero kung susuriin mo to mabuti, heto ay isang encoded representation ng locking script (scriptPubKey) na ginagamit upang tukuyin kung paano maaaring gastusin ang isang UTXO (Unspent Transaction Output)
P2PK (Pay-to-Public-Key)Ito ang pinakaunang uri na ginamit noong 2009 sa simula ng Bitcoin.
https://mempool.space/tx/4a5e1e4baab89f3a32518a88c31bc87f618f76673e2cc77ab2127b7afdeda33bDahil wala pang pormal na BIP (Bitcoin Improvement Proposal), governance. Kaya halos lahat ng early mining rewards noong 2009-2010 ay naka-P2PK (Pay-to-Public-Key). Wala itong hash layer kaya exposed ang public key. At kaya rin sinasabi na vulnerable ito sa Quantum attack sa future.
P2PKH - (Pay-to-Public-Key-Hash/Legacy Address – nagsisimula sa 1)Halimbawa:
1A1zP1eP5QGefi2DMPTfTL5SLmv7DivfNa

Ito ang pinaka sikat na Bitcoin address sa kasaysayan dahil ini-associated ang adress na to kay Satoshi Nakamoto. At ang original na 50 Bitcoin block reward ay hindi pwede gastusin. Pero hanggang ngayon, marami parin nag papadala ng Bitcoin sa adddress na to. Marahil at dahil sa pag respeto na rin kay Satoshi.
Kumpara sa kaysa P2PK, mas secure na to dahil naka-hash ang public key. Maramil marami sa into ang pamilyar dito dahil hanggang ngayon at ginagamit parin, pero mas mataas ang transaction fee kumpara as ibang format.
P2SH (Pay-to-Script-Hash – nagsisimula sa 3)Halimbawa:
3J98t1WpEZ73CNmQviecrnyiWrnqRhWNLy

Karaniwan ay sa multisig wallets ito makikita. Ang isang halimbawa nito ay 2 out of 3 multisig (ibig sabihin dalawa as tatlong tao ang kinakailangan para ma transact ang Bitcoin). Ito ay mas flexible kaya sa legacy address. Pero bibihira na rin ang gumagamit nito sa ngayon.
P2WPKH (Pay-to-Witness-Public-Key-Hash)/Native SegWit (Bech32 – nagsisimula sa bc1q)Halimbawa:
bc1qxy2kgdygjrsqtzq2n0yrf2493p83kkfjhx0wlh

Mas mababa na ang transaction fees kung ito ang gamit mo. Dahil dito na block weight system (4M weight units). Kaya mag efficient na rin ang pag gamit ng block space. Modern narin ang format at karamihan ay ito na ang ginagamit para makatipid sa fees.
Taproot (Pay-to-Taproot/P2TR – nagsisimula sa bc1p)Halimbawa:
bc1pavlmkapyn630588yvykxuhhwgzke7d7h0lcgca8a9uczcrct8elq7aqmt8

Ito ang pinaka bagong address format na sinumulan noong 2021. Mas private din ito kumpara sa ibang format at mas maganda gamitin lalo na kung multisig.
Lightning Network (invoice/human readable format)May dalawang klase ng Lightning Network (LN) address ito ay:
- human readable format
- lightning invoice
And human readable format ay parang email address, kamukha lang to pero hindi ito talaga email address. Ito ay nakatali sa isang Lightning wallet para makatanggap ng instant na pagbayad. Ang format nito ay:
name@wallet.com, halimbawa:
satoshi@walletofsatoshi.com
And isa naman ay invoice o BOLT11 Lightning Network invoices. Halimbawa:
Lnbc2m1pnrjd6epp5xg37tadmcc479dt8c3rqk9mu4p08y8a5uvdd4repy4r8zzs40y4qdqqcqzzsxqrrs0fppqhsrcf2xszcp9nu4xgxzjwx6m3qnvlvrtsp5nft6epu8wxaxytyadq95ygyqvewuhuqh4zw6wevwvufxjr0zc0qq9qyyssqtafnv4cz4uuccg8xfw0ec2lgmr9u23rg85ac86zdnkn4mkq93krn283prlthqky5ujpv8x4cecs4634uu4gcw4f57l3haur8vg6myggp7z6erh
The human-readable part of a Lightning invoice consists of two sections:
prefix: ln + BIP-0173 currency prefix (e.g. lnbc for Bitcoin mainnet, lntb for Bitcoin testnet, lntbs for Bitcoin signet, and lnbcrt for Bitcoin regtest)
amount: optional number in that currency, followed by an optional multiplier letter. The unit encoded here is the 'social' convention of a payment unit -- in the case of Bitcoin the unit is 'bitcoin' NOT satoshis.
KonklusyonSa kabuuan, nakita rin natin kung paano nag evolved ang mga Bitcoin address. Mula sa simple hanggang kung nasan na tayo ngayon, mas advance at mas private at mas mababa ang fees. Ngunit, babagsak parin tayo sa pinaka layunin ng Bitcoin, ligtas at desentralisadong paglipat ng halaga. At sa huli, dapat tayong pumili ng kung anong Bitcoin address ang naangkop sa atin.
Paalala: Hindi ako konektado sa mga Bitcoin address na nasa halimbawa.Sources at Links