Narito ang latest plan ng DICT bilang aksyon sa dumaraming scams na nangyayari sa platform na yan.
Talamak din kasi ang Bitcoin at crypto scams sa app na yan at hindi parin nagagawan ng solusyon ng developer para ma lessen ang ganitong gawain sa platform nila.
---
Marami parin bang Telegram users dito? At tingin nyo makatarungan tong concern at possible action na gagawin ng DICT?
Agree ba kayo sa hakbang ng gobyernong ito? Tingin ko hati ang opinyon ng mga tao dito may agree at hindi agree lalo na yung regular telegram users.
Hindi ako agree sa buong gobyerno natin in general.

Sa totoo lang.

Anyway, hindi ganon kalaki ang magiging epekto nito sa bansa natin kapag binan nila ang Telegram. May Discord pa, may Reddit rin na pwedeng mangyari ang mga scams so lilipat lang ang mga scammers sa ibang platform. Pagdating naman sa developer na hindi masolve itong problema na ito, KYC? Pwedeng solusyon ito pero pwede rin itong maging dahilan para lumipat sila sa ibang platform dahil na rin sa gusto nilang maging anonymous. Sa tingin ko, status quo na lang at wala na lang dapat gawin. Kahit namang saang SocMed platforms eh may mga scammers.
Telegram User ako at maraming kabayan natin ang gumagamit ng Telegram. Hindi ko alam kung kayang gawin ng DICT itong pag-ban nila ng Telegram, pero panigurado maraming hindi agree dito na mga kababayan natin dahil gaya ng sinabi ko, marami ang gumagamit nito at helpful ang platform sa kanila sa ano mang paraan man yan.