Bitcoin Forum
March 02, 2026, 08:02:15 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.2 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Leksyon ni Satoshi  (Read 33 times)
fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 280
Merit: 163


You Attract What You Are


View Profile
March 01, 2026, 08:02:22 AM
Merited by Porfirii (1), GazetaBitcoin (1)
 #1

May Akda: Theymos
Original na Akda sa English: Satoshi's lesson




Ang mga pundasyon ng Bitcoin ay tinatag sa bato 10 na ang nakakalipas sa paggawa ng genesis block, at ang bersyon ng Bitcoin 0.1 ay opisyal na inilabas pagkatapos ng isang linggo. Ang bersyon 0.1 ay kamangha na kumpleto, at ang kahanga hanga ay meron lang itong konting bugs. Mayroon din itong mahusay na forward-compatibility, na may pag supporta para sa mga softforks sa hinaharap sa anyo ng mga OP_NOPn opcodes. Bago pa man malaman kung paano gumagana ang desentralisadong cryptocurrency, pinag-aralan na ni Satoshi kung paano idadagdag sa Bitcoin ang mga bagay katulad ng smart contracts at mga channels sa pagbayad. Ito ay kamangha-mangha, at maraming tao ang tumitingala kay Satoshi sa kanyang nagawa sa Bitcoin at sabihing, "Si Satoshi ay isang henyo sa crypto, ang susunod na Einstein." Ngayon, sa tingin ko, hindi nila nakikita ang tunay na punto.

Nang ginagawa ni Satoshi ang ang Bitcoin noong 2007-2009, halos lahat ng panguhahing ideya ng Bitcoin ay kilala na sa komunidad ng cryptography. Noong 1996, may buod ng mga dating akademikong gawa tungkol sa electronic cash ay inilathala, at pinag usapan ng mahaba tungkol sa mababang-antas na cryptographic primitives na gamit sa Bitcoin at gamit ang mga pamilyar na salita katulad ng "double spending". Ang Hashcash proof of work ay sikat na, at sa pagkakatanda ko sa pagbabasa dito bago pa man sa Bitcoin bilang isang ideya para pigilan ang spam sa email. Ang git ay gumagamit ng parehas na kadenang hindi napuputol ng hashes na katulad ng block chain ng Bitcoin, at unang inilabas noong 2005. Si Satoshi ay gumawa ng isang malaking pag talon: pinagsama sama nya ang mga bagay na ito para maiwasan ang dobleng pag gastos gamit ang PoW na block chain. Ito ay kamangha mangha, ngunit ang parehong kislap ay mangyayari sa sinumang sumusubaybay sa mga bagay na ito.

Si Satoshi at hindi lamang kamangha mangha dahil pinanonood nya ang mundo ng crypto at nagkaroon sya ng isang mahusay na ideya. Siya at kahanga hanga dahil sa pagkakaroon ng ideyang iyon, isinakatuparan nya iyon. Alam nyo kung anong gagawin ko kapag nagkaroon ako ng ideyang ganun? Sigurado sasabihin ko yon sa kaunting tao lamang, baka nagsulat ako ng code kung pakiramdam ko ay ako ay ambisyoso. Alam nyo kung ano ang ginawa ni Satoshi? Ginugol nya ang 2+ na taon at pag-isipan ang bawat posibleng aspeto ng sistema na pumasok sa isip nya, at sumulat ng code sa gagana ng sa totoong mundo. Ang code ni Satoshi ay magaling, pero kung sino man na nagbasa ng magandang libro sa C++ ay pwedeng gumawa ng parehas na ka gandang code. Sinuman na kumuha ng panimulang kurso sa crypto o nagbasa ng ilang libro tungkol dito ay maiindintindihan ang paggamit ni Satoshi ng crypto primitives. Ang gawaing paglikha ng Bitcoin ay kinakailangan ang maliit na kislap ng katalinuhan, katamtamang nalalaman at isang nakapalaking dedikasyon sa pag-iisip patungkol sa coding, at pagsubok ng sistema hanggang sa ito ay gumana ng eksakto sa kanyang isip.

Ang leksyon ni Satoshi ay hindi mo kailangang maging kasunod ni Einstein para mabago ang mundo. O kaya magkaroon ka ng maraming pera o impluwensya para sa  "movers & shakers" ng mundo. Kailangan mo lang pag sumikapan ito. Maaring si Satoshi ay isang ordinaryong hobbyist katulad ng ilan sa atin dito, nakita nya na may kulang sa Uniberso, at nakipag laban sya ng patayan sa loob ng 2+ na taon hanggang sa maitama ang imperpeksyong na ito. Ito ang dahilan kung bakit si Satoshi ang at kanyang gawa ang aking pinaka malaking inspirasyon.

Malayo na ang narating ng Bitcoin sa loob ng 10 taon, pero marami parin itong lugar para lumago, na may maraming hamon at oportunidad sa hinaharap. Kung paano ang Bitcoin ay umusad at paano ang gawa ni Satoshi ay pinagpatuloy - ay para sa maraming tao hangga't maari at akuin at personal na responsibilad para mababuti ang ekosistema ng Bitcoin, gumawa ng mga kawili wiling bagay, at baguhin ang mundo para sa ikakabuti nito. Dahil matagal na nating nalampasan ang mga buwan, nawa'y makiisa kayo na bituin naman ang ating abutin.

Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng:


Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!