Ang problema 'nga lang ay 'yung mga target ng scams na 'to ay yung mga common folks, mga kababayan natin na hindi gaanong marunong mag-research online, mga matatanda, mga katutubo or mga kababayan natin na nasa probinsya. Madalas kasi sa mga lugar na ganito, may mga physical offices pa 'yang mga investment platforms tapos via word of mouth 'lang pagpo-promote nila. Minsan nga nagbabahay-bahay pa mga 'yan para makapag-recruit. Kaya, sadly, kung hindi talaga informed 'yung tao, madalas nahuhulog sa mga ganyan scams
Pero sa tingin ko hindi na ganun kabobo ang mga tao ngayon. May internet na sa bundok kaya posibleng aware na sila tungkol nito. Pero admitted na hindi lahat. Gayunpaman, hindi lang sana hanggang sa labas ng listahan kundi mas makabuluhan ang ganitong impormasyon kung maglagay din sila ng mga poster gamit ang iba't ibang lingguwahe para maintindihan ng lahat.
Pansin ko masasanay na talaga tayo na kasali dito sa listahan ng SEC mga reputable exchange na alam naman natin na legit at gamit parin natin.
Kasi talagang pinopromote talaga nila mga local crypto exchanges natin eh kaya kahit obvious na hindi scam na crypto exchange eh nasa listahan nila.
Kapag may lagay ka, safe ka...hehe
Dahil hirap sila perahan yung mga malalaking exchanges, kaya naging target nila ang mga local exchanges.
Maganda yan na consistent at updated lagi yung scam watchlist ng SEC para maging one-stop ng mga pinoy investors at may basis sila kapag may gusto silang paginvestan ng pera nila. Kung wala naman diyan sa list, pwede pa ring magbigay ng parang forum itong si SEC na pwedeng maging tanungan ng bayan o kaya ng mga guidelines ano yung mga mostly magiging scam dahil sa mga schemes nila. Kahit na may mga legit diyan na mga brokers at exchanges, wala kasing license at isa lang naman yan sa standard ni SEC na basta hindi registered ay nasa watchlist nila. Dapat may legend diyan na need lang ng registration kasi may mga nakakalusot pa rin sa kanila na may license pero actual scam/ponzi naman.
Nakadepende na rin ito sa mga nakaupo sa ahensya. Kung consistency ang pinag-uusapan, alam kong mahirap 'yan. Hindi pa rin natin maisantabi na maraming mga abusadong opisyal sa gobyerno and protected nila ang mga scammers.