Ano ba talaga ang crypto sa simpleng paliwanagan? Ito ay digital na pera, Hindi mo mahahawakan, hindi natin maisusuksok sa wallet, at hindi rin natin maihuhulog sa alkansya.
Lahat kailangan nasa internet, parang mga ewallets tulad ng gcash at maya. Usually, decentralized ito, meaning walang isang gobyerno o isang banko, walang gustong
magpahaba ng pila para makontrol.
Hindi rin ito katulad ng Pag-ibig, Sss, o Gsis na merong institution na nagbabantay sa perang hinuhulog mo o natin. Dahil sa crypto, tanging community at technology ang nagbabantay.
Ang puso ng crypto ay tinatawag na Blockchain. Parang ganito lang yan na parang meron kang isang digital na notebook na once na maisulat mo na ito ay hindi na itong pwede pang-burahin,
walang liquid paper at edit-edit o walang palusot na version 2. Once na nandyan na yan sa page ay nandyan na yan forever at lahat ng tao sa network ay may kopya ng notebook na yan.
kaya mahirap dayain ang blockchain.
Saan pwedeng magamit ang Crypto?1. Pambayad
2. pangpadala
3. Pang-store ng value
4. Pang-invest sa projects
Mga bagay na dapat nating malaman sa Crypto1. Mataas ang Risk nito
2. Mas mataas pa sa Mp2 savings
3. Mas mataas pa sa digital banks
4. Mas mataas maging sa stockmarket
Kung ang digital banks, Sss, at Gsis ay parang trycycle ay sa Cryptocurrency naman ay para kang sa roller coaster ng walang seatbelt.
Bakit ang daming mga community o ofw ang nahuhulog at nabibiktima sa crypto?
1. Dahil sa Fomo(Fear out missing out) parang girlfiend mo na isang araw andyan pero bigla nalang mawawala at seen zone forever kana as in naglaho nalang ng hindi manlang nagpaalam.
2. Shortcut mindset, parang isang click lang sa apps mo sa cellphone na may bahay kana, kotse at negosyo, pero kung ganun lang kadali yumaman edi sana lahat ng tao mayaman na diba?
3. Low entry barrier Dahil komo pwede tayong maginvest ng 500 o 1000 pesos sa crypto ay pakiramdam na ng iba ay full-pledged investors na sila, yung bang hoy may crypto o bitcoin, at sa crypto hindi porket mura ang puhunan ay safe kana, siyempre malaki ang chance na maging zero parin ang puhunan natin dito.
Risk in Investing in Crypto1. Volatility ito yung parang tinatawag na the emotional roller coaster.
2. Exchange Risk
3. Scams ang Rugpulls
4. Regulations
Important things to Remember
Ano ang crypto?https://www.investopedia.com/terms/c/cryptocurrency.aspAno ang Blockchain?https://aws.amazon.com/what-is/blockchain/Ano ang volatility?https://www.cqf.com/blog/quant-finance-101/what-is-volatilityAno ang FOMO?https://fbs.com/fbs-academy/traders-blog/what-is-fomo-in-tradingAno ang scam and Rugpullshttps://public.com/learn/how-to-spot-crypto-scams-and-rug-pulls?wpsrc=Organic+Search&wpsn=www.google.com