Pagkakaiba ng Soft Fork at Hard Fork sa Bitcoin
]

Talaan ng Nilalaman
PanimulaMarahil marami na sa inyo ay nandito na nung 2017-2018 ay nakaranas na sa Bitcoin at ang pagbabago ng protocol. Sa aking pagbabalik tanaw ay maraming argumento at debate tungkol dito. At maraming mga entities na kalahok, katulad ng Bitcoin Core devs at iba pang contributors, Miners o Minero, mga entity na nag se-secure ng ng Chain sa Proof-of-Work. Mga Node operators, sila naman ang nagpapatakbo ng mga full nodes. At dahil dyan, bawat isa ay may sinusunod na consensus at ito ay dahil ang Bitcoin ay "decentralized network". Ang kung may kailangang baguhan sa mga rules na to, may tinatawag na
"Bitcoin governance" o Pamamahala sa Bitcoin. At may dalawang klase ito: Soft Fork at Hard Fork. At napa panahon na rin siguro na buksan ang topic sa mga fork kasi meron isang proposal
BIP360: Pay to Merkle Root (P2MR). Itong BIP na to ay tungkol sa quantum attack:
Through this modification, P2MR outputs allow developers to use script trees and tapscript in a manner that is:
1. resistant to long exposure attacks by Cryptographically Relevant Quantum Computers (CRQCs), and
2. resistant to future cryptanalytic approaches that may compromise the elliptic curve cryptography (ECC) used by Bitcoin
At kung titingnan naman talaga, hindi naman ito masama o negatibo. Dahil ito ay paraan para sa pag upgrade ng network. Nagkakaroon lang naman ng masamang epekto dahil sa mga taong nasa likod nito na nagsusulong nito, lalo na ang Hard Fork.
Ano ang Soft Fork?Ang Soft Fork ay isang pang upgrade sa protocol na "backward-compatible". Ibig sabihin nito, kahit hindi lahat ay sumunod sa bagong rules or sa bagong bersyon, pwede parin silang makilahok sa network at hindi mahahati ang chain. Kailangan lang ng majority hash power para ma enforce ito. Karaniwang ginagamit ang soft fork sa Bitcoin dahil mas ligtas ito at mas kaunti ang risk ng chain split.
Mga halimbawa ng Soft Fork:
- Segregated Witness (SegWit) - 2017 (BIP 141)
- P2SH (Pay-to-Script-Hash)
- Taproot (2021)
Ano ang Hard Fork?Ang Hard Fork naman ay isang non-backward-compatible upgrade. Ibig sabihin, kung ang isang node ay hindi nag upgrade sa bagong rules na kung anong kadahilaan, hindi na ito makaka tanggap ng bagong blocks. At mag reresulta ito sa permamenteng paghihiwalay ng network at magkakaroon ng dalawang magkaibang blockchain.
Mga halimbawa ng Hard Fork:
- Bitcoin Cash (BCH) - Agosto 2017
- Bitcoin Gold (BTG) - 2017
- Bitcoin SV (BSV) - 2018
Heto yung sinasabi ko na nagkaroon ng debate nung panahon na yon. Lalo na ang mag personalidad na kasali sa hard fork na to. Dahil meron silang kani-kanilang narrative kung bakit nila gusto ang hard fork o hatiin ang chain.
Makikita rin natin ang
History at Timeline nito.
Sa ngayon hindi na mabilang kung ilan na ang Hard Fork ng Bitcoin.

KonklusyonNakita na natin ang malaking pagkaka iba ng Soft Fork at Hard Fork at kung ano ang epekto nito. Masasabi natin na mas ligtas ang Soft Fork dahil hindi ito ang re-resulta sa paghahati ng blockchain. Samantalang ang Hard Fork naman at talagang radical na pagbabago at nahahati ang network dahil nagkakaroon na ng bagong chain. At hindi na rin natin masasabi na sila ay Bitcoin parin kundi isang altcoin at wala ang suporta ng mga nakakarami sa atin. Yung iba, nangamatay na, nakalimutan, at yung natitira naman eh nandiyan pa rin pero hindi nila napatunayan na sila ang tunay na Bitcoin.
Sources at Links