Nakakaalarma yung ganito, kasi sa mismong app nanggaling yung notifications. So, ibig sabihin na pasok sila ng hacker, ang tanong, anyare sa cyber security nila? tinipid ba or na inside job?
I've read a couple of updates from their social media account, at parang hindi nila na explain kung bakit sa app mismo nanggaling yung notifications.

Para sa akin, ang ganitong notification ay red flag, kahit pa sa mismong app ito nanggaling. Bakit? dahil hindi ganyan ang approach pag may security breach or attempt sa account mo. Kasi pag may na-detect na unusual or suspicious log-in, yung app mismo ang mag-ho-hold ng kahit anong transaction para i-verify muna ang authenticity nito, at yung security alert should read as: "We detected unusual login/transaction to your account (state transaction type, location, and etc..), is this you? or please verify... then may option to deny/ignore or accept." Ito dapat yung ma-rereceive ng mga users, hindi yung "transfer your funds immediately". Yung mga ganyang linyahan talaga ang gustong gusto gamitin ng mga hacker para mag panic yung user at hindi na binabasa yung mga link na binibigay nila.
Buti nalang talaga hindi ko na ginagamit itong Coins since 2020. Masyadong hassle kasi yang annual verification nila, as if ang higpit ng security tapos ganito lang mangyayari, lol.
Sana imbistigahan to at hindi lang simpleng sorry yung mangyayari.