Ang dami pala, pero dito lang ako familiar sa KBS Exchange, since isa ito sa mga malaking scam last year. May thread pa nga tayo dito tungkol diyan dati.
Thanks sa pag-share kabayan. Pero sa tingin ko yung ibang nag-invest diyan, aware na rin naman siguro sa mga SEC advisories. Wala lang talaga sa kanila, kasi parang sugal na rin ang turing nila sa mga Ponzi scheme. Ang mindset, basta mauna ka, mas mataas chance kumita. Pag nahuli ka at natalo, wala na lang sisihan.
Yan ang mahirap dyan yun bang iniisip nalang nila na sugal ang lahat, kaya lumalakas ang loob ng mga scammer nato dahil alam nila karamihan sa biktima nila ay hindi magkakaso.
Kaya mabuti talaga or time na makinig sa advisory ng SEC at umiwas na sa mga scams na nakalista sa site nila.
Majority ng mga nasa watchlist provided by SEC ay itong reason na ito:
Is not registered with the SEC and does not have the necessary license to offer securities; and
Are not registered as an entity for financing and lending.
The reason on why there is a license requirement is for compliance sa order ni SEC. Also, if nag comply sila sa lahat ng requisites provided by SEC, then at least you have that security na alam mong totoo and registered yung isang lending/project.
Let this be a reminder to everyone, to both newbies and veterans alike, to be always vigilant. Kahit na nasa watchlist na SEC ay itong mga lending applications and platforms, still, ang best way pa rin talaga to avoid being scammed ay pagiging responsible and realistic. This means na if you see an investment company na nag-ooffer ng mataas na returns, view it as a red flag tapos iwasan na talaga ito.
Karamihan sa mga yan ay di talaga makakakuha ng secondary license dahil hindi din sila siguro papasa. Tsaka ang intention din ng mga yan ay mang scam talaga kaya wala tayong aasahan dyan, for sure naman marami pang mga ganyan ang susulpot na parang kabute. Dahil kapag tapos na sila mang scam sa ibang program ay lilipat na naman sila at gagawa ng bago para makapang scam ulit.
Mainam maging vigilant sa mga galawan ng mga scammer na yan dahil sila lang ang yumayaman at karamihan sa mga investor nila ay iiyak.
Hinding hindi ako maniniwala sa mga ganyang klaseng sites lalo na kung napaka too good to be true type na offers ang meron sila.
Ang solusyon talaga sa tingin ko sa ganito ay yung edukasyon tungkol sa mga scams. Minsan kasi makakita lang ng magandang offer, agad agad ang pagka interes at sa tingin nila totoo.
Alam natin na may financial desperation ang mga Pinoy, kaya may mga taong gusto ang madaling pera talaga.
(Ang isa pang scam ay corruption)
Basta to good to be true talaga automatic magduda na talaga tayo, daming ganyan at marami din ang manghihikayat na easy income daw. Kaya mas mainam turn down those offers at maghanap nalang ng mas maganda o realistic investments.
Patunay lang yung mahabang list ng scam na madami pa dn nabibiktima na mga kababayan ntin ng ganitong scam kahit pa anong paalala dahil may mga tao pa dn talaga na willing mag take ng risk kapalit ng pangakong malaking kita sa investment.
Hindi ko malilimutan yung mga Hyip at online paluwagan na nascam ako dati nung bago palang ako sa crypto pero hindi na talaga ako umulit pagkatpos ko masubikan.
Ang nakakatakot lang kasi sa atin ay may mga willing talaga magrisk na magpromote ng scam para lng sa commission nila sa investment ng marerecruit nila.
Yun ang ang pinaka masaklap dyan, ewan talaga sa dinami dami ng warnings tungkol sa mga scam na ganyan ay meron paring mga tao na handang sumugal.
Kaya ang ending iyak nalang sa media at sinabing na scam sila. Kung tumigil nalang sila sa mga ganyan at yung pera nila ay gamitin sa pagtayo ng legit na negosyo for sure makakaiwas pa sila sa mga problema.
Talamak talagang itong mga loa apps ngayon dahil sobrang dali kase magloan ngayon dun sa mga loan app ngayon kahit ako napapaisip ako parang gusto ko sububok magloan dun sa mga sikat na loan applications since sobrang dali lang naman magapply, yung mga Juanhand, Tala, Billease I think mga legitimate naman itong mga applications na ito, pero dahil popular sila ngayon talagang maraming gumagaya lang talaga ngayon maraming naghahanap, buti na lang medjo may kataasan yung mga interest nila kaya naiisip ko na luge ako kapag dito ako nagloan, kaya hindi rin ako nagloan.
Mamali ka lang talaga ng install sa isa sa mga fake apps na ito talagang possible pa macompromise yung smarthphone mo dito, not sure kung kung bakit sa Google Playstore nakakalusot itong mga fake or scam applications, madalas kase madaling magtiwala yung mga kababayan naten kapag nasa google playstore na install lang ng install, Buti naman kahit papano may ginagawa itong SEC pagdating sa mga ganitong bagay, hindi yung puro Crypto na popular platforms nalang ang tinatarget nila.
Talamak talaga makikita natin na dami nilang ads sa youtube at kahit saan, at kung kumagat ka ay malaking problema talaga dahil aside sa malaking tubo ay nanakot pa yan at ipapahiya yung mga nangutang sa mga kakilala nila.
Kaya wag na talagang isipin na umutang online at mainam maging responsable at disiplinado sa mga bagay nato.