ito na ba ang simula ng pagbabago sa bansa? anyway, naisipan kong ibahagi ito dito dahil natuwa ako sa analogy na binanggit niya at ipinaliwanag pa niya ito sa article. tingin ko ay marami pa sa mga pilipino ang hindi masyadong maalam pagdating sa teknolohiya na ito.
Sa tingin ko ay oo, ito na ang simula ng pagbabago ng bansa at isa itong magandang indikasyon tungo sa transparency na hinahanap nating lahat pero medyo mabagal ang proseso at hindi madali pero at least nasimulan na natin. Kaya mabagal ay dahil luma na ang sistema natin, marami sa sangay ng gobyerno natin na nagrerely parin sa paper records at isolated databases, at dahil nga magiging transparent na ito at mababawasan ang korupsyon maaring may mga politiko na hindi sumangayon dito dahil sila ay nakikinabang sa kasalukuyang kalakalan sa gobyerno, isa pa dito is need natin ng malawakang cyber technical expertise kung gagawing nationwide pero ang kagandahan nito ay madadagdagan ang trabaho sa sektor ng pangteknolohiya. Also, we should also consider na maraming laws pa ang dapat dumaan para maimplement at mahandle ng maayos.
Ang masasabi ko lang, kahit na medyo mabagal, at least nakikita natin na umuusad yung bansa natin.